Tandang-tandang-tanda ko pa; isa ako sa pinaka-maingay at nasa top five na listahan ng noisy, nips at
standing nung high school ako. Buti na lang may ibubuga ako sa mga aralin
kaya’t hindi naipatawag ang mga magulang ko dahil lamang sa mga rason na 'yun. Ang bilis ng balik ng karma sa’yo,
ika nga ni Binibining Joson (propesor ko nung kolehiyo) matapos malamang pinili kong maging
guro.
Karma, kapalaran o tadhana; ang lakas lang maka-Angelica Panganiban ng mga
pangyayari (na hindi ko pa rin napapanood hanggang ngayon). Sa pitong taon ko sa propesyong ito ay hindi ako makahanap ng anumang dahilan upang iwanan ang lahat at magbago ng linya ng trabaho. Gusto ko 'to. Isang pribilehiyo na nga siguro ang mabigyan ng pagkakataon na gawin ang isang bagay na gusto mo sa pang araw-araw (na may kaakibat na sahod).
Ibang-iba na nga ang mga kabataan ngayon kung ikukumpara natin sa dati ngunit nakakagulat rin naman kung pareho rin lang sila sa dati dahil boring ‘yun ‘di ba? Ano nga ba ang kaibahan? Malaki. Malaking-malaki.
Ibang-iba na nga ang mga kabataan ngayon kung ikukumpara natin sa dati ngunit nakakagulat rin naman kung pareho rin lang sila sa dati dahil boring ‘yun ‘di ba? Ano nga ba ang kaibahan? Malaki. Malaking-malaki.
Naaalala ko dati, ni hindi ako makatingin sa mga mata ng mga guro ko,
kulang na lang eh maglaho ako sa paningin nila bago ako makatawid sa dalawang
nag-uusap na guro. Ngayon, hindi na sila nahihiya o nag-aalinlangan na tumawid
sa harapan mo habang may kausap ka. Medyo bastos pero keri lang, kaya ko ‘yun.
Andiyan pang tinatawag ka na (Ma’am
Carla, Ma’am Carla) sabay kalabit pa sa braso mo na para bang life and
death situation ang sasabihin sa’yo. At ang tanging sasabihin lamang ay ang pagtago ng
kaklase niya ng kanyang sapatos, kung maka-feeling close sila eh wagas lang
talaga.
Dati mahihiya kang pumasok na hindi kumpleto ang mga armas mo (papel na one whole, one-half, one-fourth at ballpen). Ngayon eh tatanungin ka ng estudyante mo kung may extra ballpen ka at kung ‘di mo mapahiram eh sasabihan ka ng, Parang ballpen lang eto namang si Ma’am di makapag-pahiram. Parang obligasyon ko ang pagdala ng mga gamit nila para sa kanila. Pandidilatan ko na lang sila at sabay naman ang pagyuko nila. Alam naman nila na mali sila, gusto lang nilang ipahayag ang nararamdaman nila.
Kung noong panahon ko ay matatakot akong pumasok (sukdulan na ang
aabsent ako) ‘pag hindi ako nakagawa ng assignment, ngayon naman eh parang
wala lang, as in wala, kakamot-ulo na lang ‘pag tinanong mo kung nasaan ang
assignment nila. Kaya ko pa naman. ‘Di na lang ako nagpapauwi ng trabaho para wala
nang pag-usapan pa.
Noon ay takot na takot akong ma-late at um-absent. Ang dami kasing proseso at pagpapaliwanag na magaganap kung nahuli o lumiban ka. Ngayon, sasabihan ka na lang na late silang nagising dahil nasarapan sila sa pagtulog. Sige. Tatanggapin ko ‘yan dahil masarap talaga matulog pero bawal ang special activity, special quiz at special project. Siopao na lang ang special ngayon.
Dati ay magugunaw ang mundo mo kapag na-confiscate ang Tamagochi mo. Iiyak ka na lang sa isang tabi habang iniisip kung kumakain ba sa oras ang aso mo, nalinis na ba ang dumi niya o may baterya pa ba ang pinakakamahal mong hayop. Ngayon eh may kanya-kanyang cellphone at tablet ang mga bata (oo, sa pampulikong paaralan 'to) at kahit makumpiska mo ito sa kanila eh parang wala lang dahil alam nila na maibabalik agad ito sa kanila sa araw ring 'yun (DepEd's Child Protection Policy). Alam nila ang mga karapatan nila. Alam nilang mga gabay lamang ang mga polisiyang iyon at may freewill sila - gamit na gamit 'yun.
At hindi lang ‘yan, dati ay halos lahat ng iniuutos sa amin ng aming guro ay tinatalima namin ng buong puso at kaluluwa. Ang mga estudyante ko ngayon ay walang patumanggang sisinghalan ka sa simpleng utos tulad nang pagtatapon ng kalat sa tamang lagayan. Pandidilatan mo ng mata at susunod pa rin naman sila.
At hindi lang ‘yan, dati ay halos lahat ng iniuutos sa amin ng aming guro ay tinatalima namin ng buong puso at kaluluwa. Ang mga estudyante ko ngayon ay walang patumanggang sisinghalan ka sa simpleng utos tulad nang pagtatapon ng kalat sa tamang lagayan. Pandidilatan mo ng mata at susunod pa rin naman sila.
Kung ililista ko lahat ng kaibahan eh mauubos ang ilang oras ngunit
hindi pa rin ako matatapos. Totoo ngang may kaibahan ngunit naniniwala akong
hindi iyon ang bumubuo sa pagkatao nila. Magkaiba pero hindi ibig sabihin
na tama ang mga ginagawa ko noong panahon ko at mali sila, ganun din naman na
sila ay tama ngayon at kami ay mali dati. Magkakaibang pananaw, magkakaibang
sirkumstansiya.
Taon-taon ay nakakasalamuha ko ang higit sa tatlong daan na mga bata. Nakakagulat pero halos lahat sa kanila ay kilala ko sa pangalan, yung nalalabi ay sa itsura na lamang. Nakakatuwang isipin na sa halos sampung buwan naming magkakasama ay parang isang malaking komunidad na kami na alam ang kwentong buhay ng isa’t-isa. Si ganito ay naging jowa ni kuwan na iniwan namin ni ganito para kay kuwan. Si ganito ay naglayas dahil pinagalitan ng nanay dahil nangupit. Ang daming kwento na para bang sa isang oras naming magkakasama kada araw ay iilang oras na lamang ang nalalabi para sa leksyon sa araw na ‘yun. Sabagay, kung iisipin mo nga naman eh mas may agarang leksyon sila na makukuha sa mga tunay na pangyayari sa buhay nila kesa sa habambuhay na paghahanap ng solusyon sa pagkawala ni X at Y.
Tapos na ang harutan, kulitan, at pakikipag talastasan ko sa mga batang ‘to
ngayong taon. Parang ang bilis. Nakakabitin. Ngayon ko lang hindi naramdaman
ang pagkasabik na matapos ang Marso. Parang gusto ko pa ng extension.
Natuto rin ako na hindi sa lahat ng oras eh hawak mo ang buhay mo. Naalala
ko noong Setyembre nang magulat na lamang kaming lahat sa balitang iniwan na kami ng isa sa mga
magigiliw kong estudyante (Ang Pinakamabigat na Umaga ng Aking Pagtuturo).
Nakakalungkot isipin na sa murang edad ay natapos na ang lahat ng magagandang
pangarap ni Patricia. Minsan nga eh natatawag ko pa siya sa roll call ko, tumatahimik na lang ang lahat. Hindi lang dahil sa mabait siya ngunit
dahil sa mura niyang edad kaya siguro malaki ang epekto nito sa aming lahat. Masaya na siya. Tapos na ang misyon niya sa lupa. Masaya na ako sa
katotohanan na naging mabuting tao siya noong nabubuhay pa.
At minsan ay hindi mo rin maiintindihan kung ano’ng kaligayahan ang maidudulot ng simpleng pagkain sa Jollibee lalo na’t may mga bata pala na hindi pa man lang nakakatikim nito sa tanan ng buhay nila (Ang Pinakaunang Pagkakataon na Mapaligaya sila ni Jollibee). Nakakatuwang makita ang mga ngiti sa labi nila habang nilalasap ang sayang dulot nito (na dati daw ay napapanood lang nila sa T.V.)
At ang akala mong hindi mangyayari ay sadyang mangyayari pala. Ang
nag-iisang estudyante ko na paborito ako simula first year siya hanggang
ngayong fourth year na siya ay nagdadalang-tao, eksaktong anim na buwan.
Itinuloy niya ang pag-aaral at makakapagtapos naman sa taong ito ngunit hindi
siya pinayagan na umakyat sa stage dahil sa isyu ng moralidad. Nagalit ako, hindi
dahil sa nabuntis siya ngunit dahil sa kalokohang naisip nila na hindi siya
paakyatin sa stage. Nakipagtalo ako sa maraming guro ngunit sa huli ay hindi pa
rin pala sapat lahat ng sabihin ko. Niyakap ko na lang siya at sambit na, Ok lang yan, grumaduate ka naman eh. Ngunit
mababanaag mo sa musmos niyang mga mata ang pananabik sa pag-akyat ng stage;
ang naiisip nilang tagumpay sa apat na taon na paghihirap sa eskwela. Natutuwa
din naman ako na hindi niya naisipang iwaksi ang pagdadalang-tao niya dahil kung
gusto naman niya ay kaya niyang gawan ng paraan ‘yun. Proud ako dahil napili
niyang panindigan iyon, sa totoo lang, hindi ko alam kung gaano kahirap ang sitwasyon niya ngayon ngunit masaya akong makita siyang matatag. Ninang daw ako sigurado.
Matatapos na ang school year 2014-2015 ngunit hindi magtatapos doon ang
hangarin kong mapabuti ang kalagayan ng aking mga estudyante. Lagi kong
sinasabi na hindi importante ang pagyaman nila sa aspeto ng pera, ang
importante ay maging mabubuting tao sila kahit ano pa man ang makamtan nila sa
buhay (salamat Jerik). Yun lang naman ang gusto ko. Mukhang madali, pero hindi.
Natapos na naman ang isang kabanata sa pagiging guro ko. Nakangiti ako habang isinasara ko ito. May hangarin na sana nawa'y kahit papaano ay may natutunan sila sa lahat ng kanilang guro. Hindi lamang sa mga aralin ngunit sa kung papaano mabuhay sa mundong ito.
Excited na ako sa darating na Hunyo. Ang mga bagong dugo na animo'y mga blangkong papel na unti-unti naming pupunuin ng makukulay na karanasan. Ako na yata ang may pinakamasayang trabaho sa mundo.
Ma'am, ano pong clearance namin sa inyo? Project po ba? Notebook? Ano po?
Ha? Class picture lang kasama ako...
Ok, game na ma'am!
Natapos na naman ang isang kabanata sa pagiging guro ko. Nakangiti ako habang isinasara ko ito. May hangarin na sana nawa'y kahit papaano ay may natutunan sila sa lahat ng kanilang guro. Hindi lamang sa mga aralin ngunit sa kung papaano mabuhay sa mundong ito.
Excited na ako sa darating na Hunyo. Ang mga bagong dugo na animo'y mga blangkong papel na unti-unti naming pupunuin ng makukulay na karanasan. Ako na yata ang may pinakamasayang trabaho sa mundo.
Ma'am, ano pong clearance namin sa inyo? Project po ba? Notebook? Ano po?
Ha? Class picture lang kasama ako...
Ok, game na ma'am!
#Eskwela Instagram posts
@blissfulguro
26 February 2015 Luksong Tinik version 2.0 |
9 January 2015 Ma'am Carla, 'wag ka kasing magulo... |
12 February 2015 Iyak nang iyak pagpasok. Iniwan daw ng boypren. Niyakap ko na lang. |
29 October 2014 Ulirang Guro 2014 |
5 September 2014 'Yung akala mo nakikinig sa lesson... |
2 September 2014 Ang bigat sa puso na mawalan ng estudyante. Salamat sa tatlong buwan Patricia... |
Mabuhay ka titser Carla!
ReplyDeleteAt sa lahat ng mga matityagang pumasok 5 beses sa isang linggo, (nag-aral man o hindi) kahit sobrang hirap, nagawa nilang makapagtapos. :)
True that Darwin. Salamat naman :)
Deletemabuhay ang mga guro!!!
ReplyDeleteSalamat Rhovic :)
Deleteas always inspiring tlaga ang mga post mo kpg tungkol sa eskwela.
ReplyDeletelaging para kong nasa time machine kapag ngbabasa ng entry mo about as school..
ipagpatulot mo lang po Mam Carla.
-lee
Aww. Salamat Lee :)
DeleteInstant fan here, Miss Carla. :) I salute you for touching many students' lives and letting them touch yours. Ang galing ng pagkasulat mo ng article na to..funny pero totoo and halatang sinulat galing sa puso. God bless you and the kids whose lives you touch.
ReplyDelete- antsyfox
Awww. Galing talaga sa puso yan antsyfox. Salamat ha? :)
DeleteInstant fan mo na po ako Ma'am. Mas lalo tuloy akong naengganyo na magturo pagkalipas ng ilang taon ko dito sa ibang bansa. Sana mas makilala pa kita! :)
ReplyDeleteSalamat Rosalyn! Tara, uwi ka na ng Pinas. Turo ka na dito :)
DeletePaguwi ko po jan sa Pinas ay mag-aapply ako sa eskwelahan na pinagtuturuan niyo at hahanapin kita Ma'am. :)
Delete