Ma’am Carla… Patay na po
si Patricia…
Sino’ng Patricia?
Consulta po…
Ha?! (tulala ng ilang minuto)
Umaalingawngaw ang katahimikan pagpasok ko sa kwarto. Mabigat ang puso. Mabigat ang mga paa ko na pumunta sa harap ng klase para batiin sila. Ni hindi ko na nga yata nagawa pang batiin sila. Hindi ko mabuksan ang class record ko para mag roll call. Hindi ko rin kayang makita ang pangalan niya sa listahan.
Bakante
ang upuan niya. Tahimik ang lahat. Walang umiimik. Mabigat na panimula sa araw
na ‘to. Ni hindi ko matanong ang mga kaklase niya sa tunay na dahilan ng mga pangyayari.
Ang tanging hiniling ko na lamang sa kanila ay maglaan ng ilang minuto upang
alalahanin si Patricia.
Alas-sais
ng umaga. Handa na ako sa unang klase ko nang may lumapit na grupo ng mga bata
upang ipaalam sa akin ang balitang
gigimbal sa buong Grade 7 sa araw na ‘to. ‘Di ako sanay na tawagin ang mga
estudyante ko sa pangalan, kaya hindi agad tumatak sa’kin kung sino ang
tinutukoy nilang ‘Patricia’. Bigla akong nanghina nang tuluyang malaman kung
sino ang tinutukoy nila. Si Consulta pala ‘yun. Siya pala…
Bago sa
akin ‘to. Marami na rin akong naging estudyante na lumisan na sa mundong ‘to, pero
hindi habang hawak ko sila. Ngayon lang ‘to, ngayon lamang may nawala habang
nasa pangangalaga ko sila. ‘Di ko tuloy alam kung ano ang dapat maging reaksyon.
Nagimbal ang mundo ng mga kaguruan nang ibinalita ko sa kanila, parehong-pareho
sa naging reaksyon ko.
Parang
noong nakaraang linggo lang nung huli ko siyang nakita, may dinaramdam na pala
siya. Alam naming lahat ang kondisyon niya, mahina ang kanyang puso na dahilan
ng kaniyang madalas na pagliban sa klase. Hindi mo kasi mararamdaman na
malubha na pala ang kalagayan ng puso niya dahil isa siya sa aktibo sa klase.
Siya
ang lider sa klase ko. Kaya niyang patahimikin at pasunurin ang apatnapung mga
kaklase niya na hindi gumagamit ng pananakot at galit. Isa siya sa mga
hinahangaan ng lahat, mapa-guro man o kaklase niya, pagdating sa disiplina sa
klase. Hindi mo mapapansin na absent pala ang guro nila dahil sa payapang hatid
niya sa klase kapag lumiban ang guro.
Hindi
mahirap maibigan si Consulta. Tumatatak siya sa lahat, pagtatak sa mabuting
paraan. Maaasahan. Masasandalan. Mapayapa. Magiliw. At higit sa lahat, may
dulot na ligaya sa kahit na kanino. Ni hindi ko nakitang malungkot ang batang
‘yun. Lagi siyang nakangiti.
Lalo ko
pa siyang hinangaan nang makita ko kung paano niya alalayan ang kaklase nilang
may espesyal na pangangailangan. Sa lahat ng gawain at aralin ay nakasubaybay
siya sa kaklase nilang ‘yun, kahit walang humihingi sa kanya na gawin niya
‘yun. Hindi niya lang alam kung gaano ako humahanga sa tuwing napapansin ko
siya sa pagtulong sa kaklase niyang ‘yun.
Sobra akong naapektuhan at hindi ko alam kung paano haharapin ang buong araw. Kada paglingon
ko sa silya niya ay nakikita ko ang mga ngiti niya at nakikita ko ang paglingon
niya sa kaklase niyang inaalalayan niya. Ang hirap pala.
Noong
lumaon ay nalaman ko na rin ang tunay na kwento sa likod ng pagkawala niya. May
sakit siya sa puso. Dinala siya sa ospital kagabi at doon na rin niya huling
nasilayan ang mundong kumupkop sa kanya ng labindalawang taon.
Ganun
din pala ang sinapit ng kuya niya na pumanaw iilang taon na rin ang nakalipas.
Bigla ko tuloy naisip kung gaano na lamang kasakit sa mga magulang niya ang
paglisan nilang magkapatid sa murang edad.
Panghihinayang.
Malungkot, oo, pero hindi ako nanghihinayang sa pagkawala ni Consulta. Naalala
ko noong namatay ang tatay ko, hinding-hindi ko malilimutan ang sinabi sa akin
ng isang pastor;
Maaari namang namatay ang ama mo noong
siya ay isang taong gulang pa lang, maaaring noong binata siya o noong bago
siya mag-asawa, pero hindi, nabuhay ng limampu’t pitong taon ang ama mo at
kaakibat nun ang buhay ninyong tatlong magkakapatid…
Labindalawang taon. Marahil maiksi ito para sa ilan ngunit naniniwala akong hanggang doon na
lamang ang misyon ni Consulta. Hindi man siya nabuhay ng mas matagal pa ngunit
nagawa niyang maging makabuluhan ang ibinigay sa kanyang panahon upang
makapagdulot ng kabutihan sa maraming tao.
Hindi
ko buburahin ang pangalan niya sa class record ko. Tatawagin ko pa rin siya
kapag nagro-roll call ako. Isa siyang magiging alaala ng isang taong may
busilak na puso. Puso. Ang pusong naging mitsa rin ng buhay niya.
Salamat
Consulta. Mas marami akong natutunan sa'yo kaysa ang ikaw sa akin...
:(
ReplyDeleteNaiiyak naman ako titser.
Ok lang yun Darwin :)
Delete:(
ReplyDeleteCondolence sa mga naiwan nya. Mapalad ka dn at naging bahagi ka ng buhay nya. Kakaiyak ang mensahe ng pastor sayo
ReplyDeleteAt tumatak talaga sa akin yun Julius, isang magandang pagtingin sa paglisan...
Delete:(
ReplyDeleteOhmy... Naiyak ako girl. RIP to beautiful girl, Patricia Consulta.
ReplyDeleteSuch a beautiful girl Nix:(
DeleteNakakalungkot naman ang balitang ito, Mam Carla :( Yakap.
ReplyDeleteSalamat Mica...
DeleteNakakalungkot. Naalala ko tuloy ung kaklase ko nung highschool na maaga ding lumisan. :(
ReplyDeleteSobrang nakakalungkot Marx.
DeleteAmbigat naman sa loob basahin titser. Mahirap tapusin ang buong talata. :( Kakalungkot.
ReplyDeleteSobrang nakakalungkot nga Arnie... :(
DeleteMam Carla...alam ko yong flng na ganito,,yong pag pasok mo ng school at may masamang balita. yong ka klce ko nung ganito rin ngyri..ang aga namin pumasok then bigla nalang ng bell ng ilang beses at yong binalita na isa sa mga clsmte ko ay namatay..last year pa naman namin nun sa highschl and the sad part they visit me sa bahay that night bago sy nawala:( hay ang bigat:(
ReplyDeleteSobrang nakakalungkot. May the perpetual shine upon him may she rest and peace.
Patricia deserves that bell. I-suggest ko nga sa principal yan tuwing may mga ganitong sitwasyon...
DeleteHow will I handle this situation if ever andito na ako? #FutureTeacher
ReplyDeleteWalangkahit anumang makakapaghanada sa atin sa mga ganitong sitwasyon Andrew :(
DeleteNakakalungkot, teacher. May her soul Rest in Peace.
ReplyDeleteTotoo yan Katherine :(
DeleteMabuhay ka, Patricia! :)
ReplyDeleteTama ka Leo :)
Delete