Miyerkules ng tanghali. Pauwi na sana ako nang ipatawag sa opisina ng head teacher ng MAPEH.
Head Teacher: Carla, sa Camp Aguinaldo ka mag-report bukas. Mag-umpire ka ng District Meet Lawn Tennis ng Elementary.
Carla: Bukas na sir? As in bukas?
Head Teacher: Oo bakit?
Carla: Wala lang, biglaan lang po. Sinu-sino kami dun sir?
Head Teacher: Kayo-kayo pa rin.
Carla: Ah ok. Sige po.
Head Teacher: 8 a.m. dapat andun ka na. Saka 2 days yun ha.
Carla: *buntong-hininga*
Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako handa. Alam mo 'yun?
Pangatlong taon ko na ito. Hindi ko alam kung bakit pero palagi akong ipinapadala para maging linesman/scorer sa District meet ng Lawn Tennis. Ito ay 'yung paglalaban-laban ng mga atletang bagets sa pampublikong paaralan ng buong Quezon City (nanalo na sila sa iba't ibang pagtatagpo kalaban ang ibang eskwelahan sa distrito nila). Bale sila na ang mga mahuhusay sa buong lungsod. Noong mga nakaraang taon eh tamang scorer/linesman o alalay ang tanging gawain ko so hindi na ako kinabahan dahil alam ko na ang mga mangyayari. Ang inisip ko lang ay ang biyahe ko patungo sa venue.
Huwebes. 6:00 a.m. Ang O.A. ko lang. 8:00 a.m. ang call time pero alas-sais pa lang ng umaga eh papaalis na ako ng bahay. Feeling ko pa nga eh late ako. Hindi ako nahirapan sa paggising dahil alas kuwatro y medya ako nagigising araw-araw dahil alas sais empunto ang official time ko. At oo, may nagtuturo na nang ganung oras. 'Yan din ang gumimbal sa akin dati. At oo, hanggang alas dose lang ng tanghali ang klase ko at kapag wala akong klase sa aking MA class eh diretso uwi at borlogs na ako - bawi tulog.
Kinukuha ko lang ng 12 minutes ang pagpasok sa trabaho ko araw-araw. 5 minutong lakad hanggang kanto namin, 2 minutong sakay sa jeep (bago pa ako makabayad at makuha ang sukli eh bababa na ako) at 5 minutong sakay sa tricycle. 16 pesos ang pamasahe. Naiiba lamang ang routine kapag umuulan o kung may strike ang mga jeep.
Binalak ko na makisabay sa utol ko na nagta-trabaho sa Makati para makalibre sa pamasahe at para umiwas sa pakikibaka sa biyahe pero paggising ko eh saktong hindi daw siya papasok dahil may aasikasuhin daw siya - bihira lang siyang hindi pumasok at nasakto pa na sa araw na makikisabay ako.
Lumabas ako ng bahay. 6:00 a.m. Nilakad ang daan hanggang sa kanto namin. Sumakay ng jeep papuntang EDSA. Pagdating ng EDSA-Cloverleaf nag-antay ako ng jeep/bus papuntang MRT. Nag-antay ng bahagya. Ang hirap sumakay. Hanggang sa may nakitang aircon jeepney na may nakapaskil na "Libreng Sakay". Pinara. Tumigil. Sumakay.
Ang Libreng Sakay na ito pala ay proyekto ng UNTV at Ang Dating Daan. Mahusay! Ngayon ko lamang narinig at nakita ang hangarin na ganito. Ni hindi ko naririnig sa news o nakikita sa radyo. Tahimik na kumikilos pero epektibo. Ang mga tao nagbabayad pa, hindi napansin ang nakapaskil na "Libreng Sakay". Maganda at masarap sa pakiramdam na nasa loob ako ng aircon na jeep na 'yun. Napansin ko pa na talagang nag-aantay ng pasahero si manong driver at mga estudyante ang madalas na nag-aabang sa kanya. Natunugan na ang pagdating niya. Walang patumanggang pasasalamat ang natatanggap ni manong driver kada may bumababa. Mayroon din namang nagmamadali na at malamang eh nakalimutan na magpasalamat. Ang ruta ni manong ay MCU-Monumento - SM-MRT.
Muli, salamat manong driver. Salamat sa UNTV. Salamat Ang Dating Daan. At kung si Brother Eli Soriano man ang utak sa likod nito eh mabuhay po kayo. At nawa'y maging ehemplo sa ibang grupo.
6:40 a.m. Nasa EDSA at paanan ng hagdan paakyat ng MRT-North Avenue station. Nakalimutan na box office hit nga pala ang pila dito kapag ganung oras. Wala akong stored value chorva. Chineck ng guwardiya ang mga bitbit. Pumila. Tumayo. Bahagyang gumalaw ng sampung pulgada. Pumila. Tumayo. Bahagyang gumalaw ng sampung pulgada. Repeat in same order.
Ni hindi ko alam kung paano ako nakaakyat sa hagdan at kung paano ako nakabili ng ticket. At akala ko ay hanggang doon na lang ang pasakit at pahirap. May pila rin pala ang pagpasok sa tren. Whew! Hindi pa ako nakakarating sa patutunguhan ko eh amoy tanghali na ako. Ang napansin ko lang ay tahimik ang mga nakapila. Marahil ay dahil sa mga nakasalpak sa mga tenga ng mga tao. Walang nagkkwentuhan. Walang malikot. Walang maharot. Tama rin 'yun para kung may mandurukot man eh maramdaman agad - well hindi rin pala mararamdaman agad 'yun.
7:05 a.m. Nasa loob ng tren. Nakatayo. Naisip ko kung gaano kadali ang biyahe ko araw-araw. Kung gaano kainam ang pagiging malapit ko sa trabaho ko. At bigla ko naisip ang mga co-teachers ko na taga Cavite, Bulacan , etc. na umuuwi araw-araw. At kung ma-late pa ako eh ewan ko na lang. In fairness naman sa akin eh I was never late - NEVER - kahit sa lahat nang naging trabaho ko dati. O.C. ako sa oras. Ayoko nang nale-late.
Kada istasyon eh pakapal nang pakapal ang mga tao. Mapapansin na ang mga bagon ng tren na nakalaan sa mga babae ay hindi disiplinado. Hindi pa nakakababa ang mga pasahero eh ipinipilit na nila na ipasok ang mga katawan nila. Mas gusto ko pang umupo/tumayo sa bagon ng tren na para sa mga lalake. Walang maaarte. Wala ring suwapang. Naalala ko dati, nakaumang pa lamang ako nang pagtayo eh biglang may bag na agad na nakapuwesto sa espasyo na inurungan ko. May nag-save na agad ng upuan. Ang bilis lang. Grabe.
7:22 a.m. Santolan station. And istasyon na malapit sa Camp Aguinaldo - ang venue. Nilakad ang sidewalk sa labas ng Camp Crame. Biglang ginutom. Naghanap ng malapit na fastfood. Nakita si Jollibee. Sausage and egg pandesal at pineapple juice. Sakto. Tumawid ng kalye. Sumakay ng jeep papuntang Gate 1 ng Camp Aguinaldo - ang gate na pwedeng pasukan ng mga pedestrian.
8:02 a.m. Matapos magalakad ng ilang minuto sa loob ng kampo ay nakarating na sa tennis court. Kinilabutan nang makita ang oras - O.C. nga talaga ako sa oras. Ang ending, ako pa lang ang andun. Wala pa ang mga officials at wala pa rin ang mga manlalaro.
8:30 a.m. Nagsimula nang dumating ang mga manlalaro, magulang, coach at mga officials. Biglang tinawag ng tournament manager.
Tournament Manager: Carla, ikaw na humawak ng Girls.
Carla: Po?
Tournament Manager: Ikaw sa Singles A, Singles B at Doubles ng Girls.
Carla: Eh sir...
Tournament Manager: Oh eto na ang mga gamit, tawagin mo na ang mga coach para magbunutan na kayo.
Carla: *buntong-hininga*
8:45 a.m. Dalawa pa lang kaming official sa tennis. Tatlo ang tournament manager na mga principal ng elementary schools. Wala nang magawa. Napasubo na. Humingi ng tulong sa isang official pero inasar pa ako na kaya ko na daw mag-isa.
Kinabahan. Gustong umuwi at bumalik na lamang sa eskwelahan para magturo. Hindi ako P.E. teacher. Nagkataon lamang na ang Arts ay kabilang sa subject na MAPEH. Ang daming rason pero andito na ako. Gusto kong sumigaw. Nakakahiya naman. Gustong magpatulong sa mga coaches. Bawal naman.
9:00 a.m. Nakagawa na ng schedule of games. Nagbunutan na ang mga coaches. Nag warm-up na ang mga bagets. Isang buntong-hininga at isinigaw na "Ready everyone!". Pero sa totoo lang, sila lang ang pinapa-ready ko dahil ako eh hindi pa ready. Nanginginig na umakyat sa upuan ng umpire. Open court. Mainit sa balat ang araw. Wala akong payong. Walang sunblock. Sayang ang Gluta - biglang naisip na hindi pala ako naggu-gluta. Iniayos ang scorecards. Sa totoo lang gusto kong tumakbo ang oras nung mga panahong iyon. O di kaya'y kainin ako ng lupa. Pero wala na akong magagawa. Nakatingin ang lahat - pati ang mga nagmi-meron lamang.
4:00 p.m. Natapos ang araw at nakayanan ang naiatang na responsibilidad sa araw na iyon. Noong unang dalawang laro ay gusto ko na lamang mawala sa paningin ng lahat. Ang dami kong pagkakamali bilang umpire - marunong ako pero iba pala talaga kapag andun ka na sa sitwasyon na iyon. Ibang-iba. Talaga.
Matapos ang dalawang laro ay nagamay ko na ito. Ang yabang ko na. Parang kanina lang eh gusto ko na umuwi at umiyak. Pero nakaraos naman pala ako. Mahusay ang mga bagets. Lalo na ang Grade 2 na si Adeline. Bukod-tangi ko siyang natandaan dahilan sa kanyang ballet tutu - inspired skirt. Ang bongga lang. Pero mahusay ang pitik at pulso ng batang ito. At kakampi pa ang ate niya kaya maganda ang tandem nila. Sila ang champion sa Doubles sa buong Elementary Division ng Quezon City at kakalabanin ang mga private schools. Nawa'y umabot ang magkapatid sa Palarong Pambansa.
Nakakatuwang makita ang mga batang ito na seryoso sa kanilang piniling laro. Mabuhay din ang mga coach at magulang na walang sawang sumusuporta sa kanila.
5:00 p.m. Philcoa. Nag-bus galing Cubao. At kung akala ninyo ay tapos na ang araw na iyon ay hindi pa. Unang araw ng klase ko sa MA-Thursday class ko. 5:30 pa naman 'yun. Naisipan muling bisitahin si Jollibee. Coffee float. Solb. Nakita ang batang nagtitinda ng lobo sa labas. Ka-edad niya lamang ang mga manlalaro kanina. Nag-aaral kaya siya?
May bumili ng lobo. Pumasok sa loob ng fastfood. Iniabot ang lobo sa apo. Kumanta ang lolo ng "Meron akong lobo". Naalala ko ang kaibigan kong beki na kinantahan ang pamangkin na walang sawa ang pag-iyak dahil lumipad ang lobo na hawak (tunay na kwento). Si Diego ang lobo - 'yung kaibigan ni Dora. Kinantahan niya ang pamangkin;
Lalong umiyak ang bata. Tawa lang kami nang tawa. At lalo pang umiyak ang bata.
Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako handa. Alam mo 'yun?
Pangatlong taon ko na ito. Hindi ko alam kung bakit pero palagi akong ipinapadala para maging linesman/scorer sa District meet ng Lawn Tennis. Ito ay 'yung paglalaban-laban ng mga atletang bagets sa pampublikong paaralan ng buong Quezon City (nanalo na sila sa iba't ibang pagtatagpo kalaban ang ibang eskwelahan sa distrito nila). Bale sila na ang mga mahuhusay sa buong lungsod. Noong mga nakaraang taon eh tamang scorer/linesman o alalay ang tanging gawain ko so hindi na ako kinabahan dahil alam ko na ang mga mangyayari. Ang inisip ko lang ay ang biyahe ko patungo sa venue.
Huwebes. 6:00 a.m. Ang O.A. ko lang. 8:00 a.m. ang call time pero alas-sais pa lang ng umaga eh papaalis na ako ng bahay. Feeling ko pa nga eh late ako. Hindi ako nahirapan sa paggising dahil alas kuwatro y medya ako nagigising araw-araw dahil alas sais empunto ang official time ko. At oo, may nagtuturo na nang ganung oras. 'Yan din ang gumimbal sa akin dati. At oo, hanggang alas dose lang ng tanghali ang klase ko at kapag wala akong klase sa aking MA class eh diretso uwi at borlogs na ako - bawi tulog.
Kinukuha ko lang ng 12 minutes ang pagpasok sa trabaho ko araw-araw. 5 minutong lakad hanggang kanto namin, 2 minutong sakay sa jeep (bago pa ako makabayad at makuha ang sukli eh bababa na ako) at 5 minutong sakay sa tricycle. 16 pesos ang pamasahe. Naiiba lamang ang routine kapag umuulan o kung may strike ang mga jeep.
Binalak ko na makisabay sa utol ko na nagta-trabaho sa Makati para makalibre sa pamasahe at para umiwas sa pakikibaka sa biyahe pero paggising ko eh saktong hindi daw siya papasok dahil may aasikasuhin daw siya - bihira lang siyang hindi pumasok at nasakto pa na sa araw na makikisabay ako.
Lumabas ako ng bahay. 6:00 a.m. Nilakad ang daan hanggang sa kanto namin. Sumakay ng jeep papuntang EDSA. Pagdating ng EDSA-Cloverleaf nag-antay ako ng jeep/bus papuntang MRT. Nag-antay ng bahagya. Ang hirap sumakay. Hanggang sa may nakitang aircon jeepney na may nakapaskil na "Libreng Sakay". Pinara. Tumigil. Sumakay.
Libreng Sakay - UNTV/Ang Dating Daan |
Good Job manong driver! |
6:40 a.m. Nasa EDSA at paanan ng hagdan paakyat ng MRT-North Avenue station. Nakalimutan na box office hit nga pala ang pila dito kapag ganung oras. Wala akong stored value chorva. Chineck ng guwardiya ang mga bitbit. Pumila. Tumayo. Bahagyang gumalaw ng sampung pulgada. Pumila. Tumayo. Bahagyang gumalaw ng sampung pulgada. Repeat in same order.
Ni hindi ko alam kung paano ako nakaakyat sa hagdan at kung paano ako nakabili ng ticket. At akala ko ay hanggang doon na lang ang pasakit at pahirap. May pila rin pala ang pagpasok sa tren. Whew! Hindi pa ako nakakarating sa patutunguhan ko eh amoy tanghali na ako. Ang napansin ko lang ay tahimik ang mga nakapila. Marahil ay dahil sa mga nakasalpak sa mga tenga ng mga tao. Walang nagkkwentuhan. Walang malikot. Walang maharot. Tama rin 'yun para kung may mandurukot man eh maramdaman agad - well hindi rin pala mararamdaman agad 'yun.
7:05 a.m. Nasa loob ng tren. Nakatayo. Naisip ko kung gaano kadali ang biyahe ko araw-araw. Kung gaano kainam ang pagiging malapit ko sa trabaho ko. At bigla ko naisip ang mga co-teachers ko na taga Cavite, Bulacan , etc. na umuuwi araw-araw. At kung ma-late pa ako eh ewan ko na lang. In fairness naman sa akin eh I was never late - NEVER - kahit sa lahat nang naging trabaho ko dati. O.C. ako sa oras. Ayoko nang nale-late.
Kada istasyon eh pakapal nang pakapal ang mga tao. Mapapansin na ang mga bagon ng tren na nakalaan sa mga babae ay hindi disiplinado. Hindi pa nakakababa ang mga pasahero eh ipinipilit na nila na ipasok ang mga katawan nila. Mas gusto ko pang umupo/tumayo sa bagon ng tren na para sa mga lalake. Walang maaarte. Wala ring suwapang. Naalala ko dati, nakaumang pa lamang ako nang pagtayo eh biglang may bag na agad na nakapuwesto sa espasyo na inurungan ko. May nag-save na agad ng upuan. Ang bilis lang. Grabe.
7:22 a.m. Santolan station. And istasyon na malapit sa Camp Aguinaldo - ang venue. Nilakad ang sidewalk sa labas ng Camp Crame. Biglang ginutom. Naghanap ng malapit na fastfood. Nakita si Jollibee. Sausage and egg pandesal at pineapple juice. Sakto. Tumawid ng kalye. Sumakay ng jeep papuntang Gate 1 ng Camp Aguinaldo - ang gate na pwedeng pasukan ng mga pedestrian.
8:02 a.m. Matapos magalakad ng ilang minuto sa loob ng kampo ay nakarating na sa tennis court. Kinilabutan nang makita ang oras - O.C. nga talaga ako sa oras. Ang ending, ako pa lang ang andun. Wala pa ang mga officials at wala pa rin ang mga manlalaro.
8:30 a.m. Nagsimula nang dumating ang mga manlalaro, magulang, coach at mga officials. Biglang tinawag ng tournament manager.
Tournament Manager: Carla, ikaw na humawak ng Girls.
Carla: Po?
Tournament Manager: Ikaw sa Singles A, Singles B at Doubles ng Girls.
Carla: Eh sir...
Tournament Manager: Oh eto na ang mga gamit, tawagin mo na ang mga coach para magbunutan na kayo.
Carla: *buntong-hininga*
8:45 a.m. Dalawa pa lang kaming official sa tennis. Tatlo ang tournament manager na mga principal ng elementary schools. Wala nang magawa. Napasubo na. Humingi ng tulong sa isang official pero inasar pa ako na kaya ko na daw mag-isa.
Kinabahan. Gustong umuwi at bumalik na lamang sa eskwelahan para magturo. Hindi ako P.E. teacher. Nagkataon lamang na ang Arts ay kabilang sa subject na MAPEH. Ang daming rason pero andito na ako. Gusto kong sumigaw. Nakakahiya naman. Gustong magpatulong sa mga coaches. Bawal naman.
9:00 a.m. Nakagawa na ng schedule of games. Nagbunutan na ang mga coaches. Nag warm-up na ang mga bagets. Isang buntong-hininga at isinigaw na "Ready everyone!". Pero sa totoo lang, sila lang ang pinapa-ready ko dahil ako eh hindi pa ready. Nanginginig na umakyat sa upuan ng umpire. Open court. Mainit sa balat ang araw. Wala akong payong. Walang sunblock. Sayang ang Gluta - biglang naisip na hindi pala ako naggu-gluta. Iniayos ang scorecards. Sa totoo lang gusto kong tumakbo ang oras nung mga panahong iyon. O di kaya'y kainin ako ng lupa. Pero wala na akong magagawa. Nakatingin ang lahat - pati ang mga nagmi-meron lamang.
4:00 p.m. Natapos ang araw at nakayanan ang naiatang na responsibilidad sa araw na iyon. Noong unang dalawang laro ay gusto ko na lamang mawala sa paningin ng lahat. Ang dami kong pagkakamali bilang umpire - marunong ako pero iba pala talaga kapag andun ka na sa sitwasyon na iyon. Ibang-iba. Talaga.
Matapos ang dalawang laro ay nagamay ko na ito. Ang yabang ko na. Parang kanina lang eh gusto ko na umuwi at umiyak. Pero nakaraos naman pala ako. Mahusay ang mga bagets. Lalo na ang Grade 2 na si Adeline. Bukod-tangi ko siyang natandaan dahilan sa kanyang ballet tutu - inspired skirt. Ang bongga lang. Pero mahusay ang pitik at pulso ng batang ito. At kakampi pa ang ate niya kaya maganda ang tandem nila. Sila ang champion sa Doubles sa buong Elementary Division ng Quezon City at kakalabanin ang mga private schools. Nawa'y umabot ang magkapatid sa Palarong Pambansa.
Adeline (Grade 2) in a ballet tutu skirt for tennis champion Doubles team! |
Stress Drilon |
meron akong lobo... |
Meron akong lobo,
Pangalan niya ay Diego.
'Di ko na nakita,
Pumutok na pala.
Sayang ang pera ko,
Pambili ng lobo.
Sa lalake sana,
Nag-enjoy pa ako.
Lalong umiyak ang bata. Tawa lang kami nang tawa. At lalo pang umiyak ang bata.
mam naaliw ako sa kanta ^_^
ReplyDeleteako din abeng. natatawa habang isinusulat ko :)
Deletehahah! ang kulit ng kanta!
ReplyDeleteoh yes irish!
Deletenakangiti ako na binabasa ang sinulat mo chong! dalawang hinlalaking nakataas para sa iyo. :)
ReplyDeleteapir tayo diyan ice!
DeleteSakto to! Kakasakay ko lang sa impyernong MRT kanina at kamusta naman at nanakit yung katawan ko at face to face na kami ng mga katabi ko sa pagtayo. NAKAKALOKA! at NAKAKAHAGGARD ng bongga! hehe.
ReplyDeletekorek! pag tinaasan na fare tignan natin ang difference sa volume ng tao..
Deleteahahahaha ... stress drilon lang ang peg? okay lang yan gnyan tlga buhay ....
ReplyDeleteopkors! move on agad
DeleteMas mahirap palang mag-commute ngayon kaysa nung time namin! I thought it was already bad then.
ReplyDeleteoh yes bert! ang difference pa eh may student discount ngayon, dati wala pa. haha
Deletewow talaga! galing nila...
ReplyDeletestress ang peg!pero for sure tangal stress sa pagkanta ng lola:) winner!
ReplyDeletemay tama din naman siya dun! pero depende sa "lobo" na puputok. hahaha
Deletenatawa naman ako sa kanta hehehe
ReplyDeletenice post ^_^
funny talaga yun. ang bongga! thanks jon :)
DeleteAng aking muntig ilog ay kamuntikan ng dumugo sa pagbabasa nitong munti mong sanaysay. Huwaaaat?!? hahaha. Lagi kong nakikita yag UNTV na yan pero hindi ko pa natry na sakyan.
ReplyDeleteKulit lang nung kanta. "Sa lalake sana, nagenjoy pa ko." - Winner!!! Hahahaha
nosebleed teh? hehe. try mo sakyan! ako naman first time ko lumabas sa area ko tapos nakita ko na agad. hahaha
DeleteNa fefeel ko ang stress sa kakabasa pero nawala sa ending. Panalo ang Kanta! hahaha
ReplyDeletebongga! ako din nawala sa dulo na part :)
DeleteI miss baguio...and this one wish of my mom! to visit this place! so all of us is preparing for her dream come true..the hotel Azalea Residences looks great...wonder how much per night:) care to share and I will definately visit back your blog once we finalize the plan:) thank you for sharing!
ReplyDeletehi sunny! it's a treat from marx so i don't have any idea for the cost pero do check out their site www.azalea.com.ph :)
Delete