you need to squint your eyes para mas makita nang malinaw |
swabe, smooth, cool, steady,
kalma, chill, ______ (dagdagan mo)
'Yan ang mga salitang akmang-akma para i-describe ang aking tatay. Bakit kamo? Andito ang listahan kung bakit naging swabe si Samuel...
- ang bigote na mas swabe pa kay mr. Suave.
- ang swabe niyang singing voice, astig lalo na 'pag second voice.
- ang lagi niyang pag assure sa akin na ako ang pinaka-maganda niyang anak (may choice pa ba eh ako lang ang babae?).
- ang sense of humor na sarcastic, sweet at morbid all at the same time, "carla maganda ka naman eh, depende nga lang talaga sa katabi".
- ang swabeng araw ng linggo sa bahay na nababalot ng john denver at iba pang country artists - memorize ko nga pala lahat (read:lahat) ng kanta ni john denver.
- ang laging pagtanong sa akin ng, "carla pogi ba 'ko?".
- minsan niya lang ako napalo (nung grade 4 ako), nadamay lang dahil sa utol kong pasaway.
- ni minsan ay hindi sumigaw o nagwala nang wild na wild, kalma lang lagi.
- sinoportahan ang childhood addiction ko sa kulay na blue, lahat ng kulay blue na gamit naibili na niya sa akin.
- proud sa akin lalo na sa pagkanta, isinasabak ako sa videoke kahit saan - kahit ayoko dahil nahihiya ako.
- dikit sa mga kaibigan ko, 'pag iinom sa bahay ang lagi niyang tanong sa kanila, "ano'ng gusto ninyong inumin? hard o harder?" sagot nila "harder!".
- nag-fund at sumuporta ng unang "grown-up travel" at slightly solo travel ko sa palawan (via negros navigation) noong bente anyos ako.
- walang hindi masarap sa kanya 'pag ako ang nagluto ng ulam namin, 'di pa niya natitikman eh sasabihin niya agad na "grabe! ang sarap" - kahit stir.
- walang hinarass sa mga naka-relasyon ko (dahil hindi naman karamihan).
- human atm ko nung bagets pa 'ko, ang pinakabibilin niya nga lang eh, "wag mo na lang sasabihin kay mommy mo na binigyan kita ha?".
- isa lang ang ultimate wish niya, ang magkaroon ng apo.
- hindi ko nakita na nasaktan niya sa salita o sa gawa ang nanay ko.
- hindi siya nawala, andiyan lang siya lagi.
- hindi man kami mayaman, masaya at kumpleto kami lagi.
At ang pinaka-swabe sa lahat ay ang pag-alis niya sa mundong ito noong 2010. Ang pinaka-swabe ayon sa mga doktor. Hindi siya nahirapan. Hindi rin kami nahirapan. Biglaan. Mabilis. Agad-agad. Wala man lang pasabi. Swabeng-swabe.
Kaya ko pang gumawa ng listahan na mas mahaba pa sa listahan ng mga magju-jueteng sa probinsiya namin. Lahat naman siguro ng tatay natin eh "the best" para sa'tin. Pero ilalaban ko ang tatay ko kahit saang paligsahan para sa mga tatay. Kahit na ano'ng category. Ilalaban ko talaga siya.
Naalala ko ang sinabi nung pastor sa service, "Pwede namang nawala siya nung 1 year old siya, o nung 20 years old siya o kahit nung 40 pa, pero hindi, binigyan siya ng 57 na taon. Nagkaroon pa siya ng asawa at mga anak. At naging mabuti siya sa lahat. "
Madaling maging tatay, mahirap ang magpaka-tatay. Apir tayo dun daddy!
walang halong biro! napaiyak ako! >.< Ganyan na ganyan kasi ung papa ko. sorry to hear bout his passing but im sure hes happy up there na :) and mustve been so so proud to have a daughter like you.
ReplyDeletehe's really happy there na shugah... ramdam ko :)
Deleteand i got teary eyed. very rare moment to.
ReplyDeletetama ang daddy mo mam, maganda ka naman, depende sa katabi. paaak! haha inferness sa kanya mo siguro namana ang boses mo.
malamang nga chyng, boses lalaki ako eh. hihi
Deleteang tatay talaga natin ang tunay na action star ^_^
ReplyDeletetama ka diyan abeng! :)
Delete:( .... nakakaiyak!
ReplyDelete:(
Deleteawts... ang sweet ni tatay.. winner talaga ang mga tatay.. :)
ReplyDeletetama ka diyan sean... :)
DeleteNamimiss ko tuloy ang tatay ko.=(
ReplyDeletesame here chino..
Delete..at swabe ng pagkasulat mo girl. i'm sure proud na proud ang daddy mo sayo today. ^_^ maganda yung sinabi sa pastoral service. nakakapag-pagaan talaga ng loob.
ReplyDeletenga pala, hindi pa kita narinig kumanta. madaya! hihihihi!
eh pano...lahat ng lakad pass ka! pano mo ko maririnig?! tsss...
DeleteBelated happy fathers day to your dad!
ReplyDeletehi sunny toast. i missed you and your blog...
ReplyDeleteparty sa heaven yun sigurado.
kaka touch naman ate Carl......soo lucky Papa mo saU and lucky ka din sa kanya...basta about Papas...Daddys...talagang naiiyak ako lalo na pag thankful ang mga anak..kasi Papa ko rin sandigan ko..
ReplyDeletetama ka diyan pam, apir!
Deleteoh by the way... nice blog huh. keep it up!
Hello Carla! I'm an avid reader and a super fan! Pero eto, ramdam ko! napa comment tuloy ako! :)
ReplyDeletehi febralyn. salamat naman :)
Delete