Kung isa ka sa mga madalas na napapadaan dito ay marahil alam mo na ang kwento tungkol sa pagpasok ko sa eswelahan - hindi bilang guro kundi bilang estudyante... Eto yun - First day funk.
Second class namin (a week after), nag-assign ang prof. ng mga cases para i-discuss/report namin sa klase. Education and Law kasi ang subject na 'yun. Merong nag-act as "leader" at siya ang naglilista ng mga cases. 'Di ko pa man nahahawakan ang mga listahan eh sinabi nung "leader" na taken na halos lahat except sa limang kaso. Nagulat ako, ni hindi man lang dinaan sa malayang paraan ang pagpili. Mukhang alam ko na kung bakit.
Magkaka-klase na nga pala sila sa Ph.D. at prof. din nila si sir kaya alam na nila 'yun beforehand. Ok lang. Habang namimili ako, narinig ko ang iba na sinisigaw ang kasong gusto nila. Nainis ako at sinabi sa "leader" na kung ano 'yung natira 'yun na lang ang sa akin. Eh 'di ganun nga ang nangyari. Latak na lang. 'Yung pinaka-ayaw nila - Retirement Law in Philippine Education. Ako pa 'yung huling magpe-present. Tsss...
Magkaka-klase na nga pala sila sa Ph.D. at prof. din nila si sir kaya alam na nila 'yun beforehand. Ok lang. Habang namimili ako, narinig ko ang iba na sinisigaw ang kasong gusto nila. Nainis ako at sinabi sa "leader" na kung ano 'yung natira 'yun na lang ang sa akin. Eh 'di ganun nga ang nangyari. Latak na lang. 'Yung pinaka-ayaw nila - Retirement Law in Philippine Education. Ako pa 'yung huling magpe-present. Tsss...
Binigyan kami ng 6 weeks para mag-research, Research break daw ang tawag. Natuwa ako dahil Disyembre 'yun at panahon ng kaguluhan kaya nabawasan ako ng isang pasanin. Natapos ang Research break na hindi ako nakapag-research.
Pagbalik namin nitong Enero, nagsimula ang talakayan. Ito ang magiging unang silip ko sa pag-uulat sa Graduate Studies. Wala akong ideya. Kapareho rin kaya ng Undergraduate level? Eh nung panahon namin overhead projector pa lang ang uso, ngayon puma-powerpoint na ang mga estudyante. Kanya-kanyang dala ng LCD projector ang mga kaklase ko dahil minalas kami sa room na napunta sa amin na walang projector. Nag-isip na naman ako kung saan ako maghahanap ng ganun 'pag ako na ang nag-report. Hmmm...
Naglabasan ang mga laptop ng mga kaklase ko para dun magsulat ng notes. Ako humingi lang ng isang pilas ng papel sa katabing may dalang notebook. Biglang sinabi ng "leader" ng klase na every week daw ay dadalhin niya ang LCD projector niya para naman daw dun sa mga iba na wala. Para daw 'di na magdala. Palakpakan. Mahusay number 1.
Sumalang ang unang mag-uulat. Inayos ang laptop. Ikinabit sa projector. 'Di mabasa sa laptop niya. Inilipat at ikinabit sa T.V. At nag-ulat na siya. Nag-ulat siya habang nakaupo. Nakaupo. Ni hindi man lang siya tumayo. Ang ganda ng daloy ng talakayan dahil napaka-spontaneous. Lahat ng tanong pinagbigyan niyang talakayin sa klase at para lamang kaming nagku-kwentuhan. Mahusay number 2.
Habang nag-uulat ay may umikot na supot galing pa rin sa "leader". Maingay ang supot. Nung umabot na sa akin ay nakita ko na may laman na Boy Bawang at Happy peanuts. Libre kaya 'to? Tumingin ako sa kanya, kuha lang daw ako. Nakakatuwa nga naman siya. Pati sa prof. ay umabot ang supot na 'yun. Feeding program. Mahusay number 3.
Napansin ko na iba-iba talaga ang mga opinyon na nababanggit ng bawat isa. Ni hindi namin kailangang pumanig kung kanino man pero maganda ang naging daloy ng kwentuhan - ay pag-aaral pala.
Matapos ang unang pag-uulat, si "leader" na pala ang susunod. Bago magsimula ay may umikot na naman na supot. Nagulat na naman ako. Pagdating sa akin ay mamon galing sa Red Ribbon at pineapple juice ang laman. Ang bongga talaga, siya na nga ang mag-uulat eh siya pa rin ang magpapa-meryenda. Feeding program the second time around. Mahusay number 4.
Nag-ulat na siya. At katulad ng naunang nag-ulat ay magaling at maganda ang naging takbo ng usapan. Walang nagtalo. Ang mga dating kinaiinisan at kinaa-angasan ko ay katawanan at kakwentuhan ko na. Mahusay number 5.
Nung natapos ang 4 at kalahating oras na klase ko (dapat ay 3 oras lang), tinanong ako ng isa kong kaklase;
Carla ano'ng case mo?
Retirement Law...
Nakapag-research ka na ba?
Hindi pa nga eh...
Gusto mo hiramin mo 'tong libro ko kasi andito lahat 'yun.
Talaga?! Nakakahiya naman sa'yo baka kailangan mo 'yan.
Hindi ok lang ako. Or gusto mo ipa-photocopy ko na lang tapos bigay ko sa'yo next week.
Oh my! Talaga? (tulala)
Mahusay number 5.
Nakakatuwang isipin na itong mga taong kinaiinisan ko noong una ay sila pang mga tutulong sa akin - sa aklat, projector at sa feeding program. Hindi nga naman talaga dapat bumase sa una, pangalawa, pangatlo o kahit pang ilan pang pagkakataon na magkasama kayo ng isa o higit pang mga tao. 'Wag lamang nating isara ang puso at isipan natin dahil malamang, 'yung akala mong totoo ay hindi pala at kabaligtaran nung akala mong hindi. Gets?
anbabait naman. :)
ReplyDeletehaha kala ko golidlocks butter slice ang laman ng feeding program, sigurado kong sasabihin mong "No Thanks" ^_^
ReplyDeletelessons learned talaga. people who dont know you will create an identity for you, at yun ang pinapaniwaalan nila. maling-mali. ang ganda ng realization mo.
Getching! Mahusay nga sila. Tanggap lang ng tanggap girl. Biyaya yan. hihihi!
ReplyDeleteNakakatuwa tong kwento mo. Share lang ako a. May batchmate din ako nung college dati na may pagka weirdo. As in mahihiya si mommy D sa kapal ng make-up tapos, pumatol pa sa prof, tapos ang harot2 parang di babae. ayun, hindi na kami mapaghiwalay nung 4th year. Naka-close ko nung nakasama ko sa OJT. I agree. Dapat lang laging bukas ang puso. At isip.
hi neil/irish - korek! mabait talaga.
ReplyDeletepag goldilocks yun chyng alam mo na...hihihi
hi car! minsan nga yung super ka chika mo eh yun pa pala ang tatabla sayo eh... di ba? :)
clasmeyt, polayt! Do not judge so fast..
ReplyDeleteseryoso ang huling statement pero sang-ayon ako!
ReplyDeletepinakagusto ko ang feeding program! sosyalin, red ribbon pa.
namiss ko ang boy bawang.
happy? sana sinamahan ng dingdong mixed nuts, haha!
good luck on your MA! mahusay!
ps : excited ka ba sa next reporting nyo? ano kaya ang feeding program? baka may plus o zesto na! hahaha!
@ mitch - yan din natutunan ko pero we really have our own biases kaya madaling mag pre-judge. but we should have an open-mind in such situations:)
ReplyDeletehi doc - seryoso yung last di ba? excited na nga ako eh. baka lugaw at tokwa. haylavit!