Blangko


Ang bigat. Ang bigat-bigat. Ang bigat ng mga paa. Ang bigat sa pakiramdam. Basta mabigat. Ang hirap bumangon sa kama. Ang bagal ng pagtimpla sa kape. Malalalim ang bawat paghinga. Kung may mas hihigit pa sa salitang "tamad" eh 'yun na ang akmang salita sa nararamdaman ko sa araw na 'yun. Ramdam sa paligid. Nakita sa mga nakasakay sa jeep. Blangko. Walang reaksyon. Walang pakiramdam. Sumilip na lang sa mga kaganapan sa paligid. Makulimlim. Blangko. Wala lang. Walang espesyal.

Unang araw ng klase sa bagong taon. May papasok ba? 

Pagbaba ng jeep, bumati ang guard. Tumango lang ako (not my usual). Nag time-in sa mabangis na biometrics namin na lumalabas ang mukha sa monitor pag nag time-in (mabangis na sa akin 'yun). Bumati sa mga kaguruan na nakasalubong. "Happy 2012" (pero walang excitement o kung anuman - wala lang, blangko). Sinilip ang mga kwarto. 

Mukhang konti lang naman ang pumasok sa mga pang-umaga, eh pano naman kaya sa hapon? 

Pasok sa faculty room. Same faces. Walang "major major" na nagbago. May isang guro na nagpakulot. 'Yun lang. Bumati sa mga kaguruan. Blangkong-blangko. Walang nagsasalita. Tulala lahat. Nakita ang mga pagkain sa mesa; fruit salad, lahat ng klaseng bilog na prutas, tinapay at kung anu-ano pa. Wala akong gana kumain. Walang nagsasalita. Tinginan lang. Wala ang dating ingay na nililikha ng mga taong ayaw ng ingay.

Nag-bell. Uwian na ng mga pang-umaga. Malapit na dumating ang mga pang-hapon. 

Sumilip sa gate. Madami-daming mga bata ang pumasok. 

Bakit?

Naisip ko nung high school pa ako. Pumapasok nga ba ako sa unang araw pagkatapos ng mahabang bakasyon? Hindi ata. Pero parang oo. Depende sa mga kaklse ko. Kung may guwapo, oo. Kung wala, eh di hindi.

Nag-bell. Ayan na ang mga bata. Marami-rami rin sila. Walang kaguruan na gumagalaw sa kinauupuan. Walang gustong umakyat sa klase. Dumating ang principal. Tumayo ang lahat. Nagsipuntahan sa mga klase. Luminis ang faculty room.

Akyat sa unang klase. Kapansin-pansin na umaalog ang kwarto. Maluwag. Ume-echo ang boses ko. Binilang ang mga bata. Labing-pito. Out of 78 ay 17 lamang ang pumasok.

Bakit?

Tinanong ko sila. Bakit absent ang mga kaklase ninyo? (Muntik kong matanong na bakit kayo pumasok? - lagot ako kung nagkataon). 'Di na ako nagulat sa mga isinagot nila. 

Ma'am sayang po kasi ang baon namin eh.
Magkano ba ang baon ninyo?
10 po, 'yung iba 20.
Bakit naman sayang eh gagastos din naman kayo sa pagkain at pamasahe.
Eh may natitira naman po saka nag-iipon po kasi kami ma'am eh.
Okay.

Tapos ang usapan.

Ano naman ang ipapagawa ko sa 17 na bata bukod sa New Year's Resolution na malamang eh gagawin nila sa buong araw? 'Di ko puwedeng sundin ang lesson plan namin dahil sigurado akong uulitin ko rin 'yun kinabukasan para naman sa mga absent. Saka isa pa, wala pala akong lesson plan. Tsss.

Nag-check muna ako ng attendance para makapag-isip ng maaaring gawin sa araw na 'yun. Nakita ko ang mga sulat sa blackboard. Siguro nagpakopya ang ibang guro nung umaga. Ayoko ng ganun. Boring 'yun. Sunod naman ay ipinabilang ko ang mga daliri sa kamay ng mga katabi nila. Kumpleto naman daw. Nagtaka sila kung bakit. Baka lang kako may naputukan eh hindi makakasulat ng New Year's Resolution sa araw na 'yun - at sigurado akong 'yun ang ipapagawa ng mga guro kada subject.

Biglang may isang malaking bumbilya na lumabas sa ulo ko sabay ngiti. Chos!

Pinakuha ko sila ng kahit na anong klase ng papel. Pinasulat ang mga pangalan nila ng pababa. 


The next instruction is that you have to think of your 2012 goals with regard to your 
physical fitness and health this year (mai-connect nga sa PE at Health). 
You have to use your name as the acronym for those goals. 
So kung 10 letters ang name mo eh 'di 10 goals, kung ANA eh di 3 goals. 

Parang New Year's Resolution din pero with a twist. May mga reaksyon na hindi maganda. Siyempre nga naman, paano kung ang pangalan mo eh Maria Victoria Elizabeth? Ubos ang 50 minutes nasa letter V ka pa lang. Kasama 'yun sa challenge. Nagsulat pa ako ng example sa board;


E - xercise daily
L - augh incessantly
A - lleviate the unnecessary food intake for a healthy body 

May rhyming talaga dapat ang example ko?! Tahimik ang klase habang gumagawa ng mga goals nila. May mga nagsisilipan ng sagot pero may mga letrang hirap na hirap silang hanapan ng salita katulad ng V. 

Nang matapos na ang lahat ay isa-isa kong ipinabasa sa kanila ang kanilang gawa. Maayos naman lahat. Sumunod sa instructions at siyempre tampulan ng kantsaw ang mga mahigit sa sampung letra ang pangalan dahil lahat nang salita ay nagamit na nila para punan ang mga ito.

Nag-bell. Tapos na ang unang klase. May tatlo pa...

Ang unang araw sa eskwela matapos ang isang mahabang pahinga. Mabigat. Blangko. Wala lang. 

Bakit kaya?
HAPPY 2012! - blangko

9 comments :

  1. "maglilinis lang naman ng room e" - yan yung lagi kong dialog nung elem kapag 1st day of class sa new year. nung college na ganit na "sana walang prof" haha

    ReplyDelete
  2. hahaha. galing galing ng student mo mam. tagal pang tumayo. tamang tamang sa intro mo yong papel nila na isinabmit sa yo. BLANKO. I've been following your blog.:-).

    ReplyDelete
  3. HAHAHA. Tanda ko din yan nung elementary ako @ highschool. Pati pala nung college. Hehe. I'm lazy like that.

    Pero sabi mo nga depende rin. Kung may crush ako, of course no doubt, papasok ako. Pero dyahe kapag nalaman mong, di rin pumasok crush mo. Hahaha.

    ReplyDelete
  4. @jhengpot - tamad moments talaga pag 1st day noh?

    hi bonzenti! hahaha... natawa ako sa blangko na papel... thanks for following :)

    hi hoobert - mas madalas na absent din ang crush kaya di rin ako pumapasok dati..hehe

    ReplyDelete
  5. C-ccpagan magtrabaho
    H-hahayaan na ang mga umaaway
    Y-yayain ang mga never pa nakapagtravel
    N-never cancel trips, unless may sakit
    G-gagawaing hobby ang mag-diet at exercise


    ang hirap! sana AMY nalang name ko. lol

    ReplyDelete
  6. Exciting ang pinagawa mo sa mga bata. Pano nga pag may mahabang pangalan? hehehe! lugi sila! lol! Happy 2012!

    ReplyDelete
  7. sino ba ang hindi tinatamad pag first day galing bakasyon? galing ka pa sa isla ng palaui... *sigh*
    belib ako sa yo maam carla, ang bilis ng utak mong mag isip kahit ang katawan ay halatang tinatamad (parang ako kadalasan)... bukas ganyan kami, balik trabaho. tapos na ang mahabang tatlong linggong paid leave. (di bale, long weekend kami sa cny sa jan 23 at 24).

    g-et ready to save a fortune
    e-ager to travel on a budget
    l-ook for MORE OPTIONS.
    o-utdo myself last year.

    ReplyDelete
  8. hi chyng - miss na kita..hehe..maganda ang mga naisulat.. 100 yan sakin :)

    hi anney! lugi talaga at sinisi ang magulang or the next few days..

    hi docgelo! i love paid vacations! hope you enjoyed yours... mahusay ang naisulat.. 100 ka din sakin bata :) hehe

    ReplyDelete
  9. Ang dami mong studnets!

    Anyways, kami din sa office yung mga unang pumasok blangko! Lol =)

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © 2011- blissfulguro. Made with by LP via OddThemes