Madalas, kapag tinatanong ako ng mga kakilala ko (o kahit nung mga hindi) kung ano at saan ako nagta-trabaho eto ang kanilang mga reaksyon;
Ah... Talaga?
Ay, sayang naman nasa bangko ka na dati.
Bakit nag-Teacher ka?
Nung una, sinusubukan ko pa na mag-explain sa kanila kung bakit pero nung huli napagod na ako. Naisip ko, Eh bakit nga ba ako nage-explain? Hindi ko alam pero may kadikit na gulat kapag nalalaman nila na ako ay nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Bibihira lang talaga (mga tatlo sila) ang pumupuri at natutuwa para sa aking napiling propesyon.
Bago ako naging isang guro, ako ay naging isang teller sa bangko. Tumagal din ako ng 17 na buwan sa bangko. Hanggang sa paggising ko na lang isang umaga eh ayoko na talagang magtrabaho sa bangko. Hindi ko alam pero ayoko na talaga. Bakit? Dahil siguro sa naging routine na ang lahat sa akin. 'Yung tipong 'pag gising ko tuwing umaga ay alam ko na ang gagawin ko sa buong araw. Alam ko na ang mangyayari at puwedeng mangyari sa araw na 'yun. Dahil din siguro sa hindi na ako masaya sa ruta ko araw-araw. Dahil sa hindi ko siguro naramdaman na para sa akin ang ganung propesyon. O baka dahil din siguro sa ayoko lang. Ayoko na lang talaga. Andun ako sa teller's cage ko at tinitignan ko ang lahat ng pera, cheke, computer at kung anu-ano pa nang sinabi ko sa sarili ko na ayoko na talaga.
Kinabukasan, nag-file na ako ng resignation. Eh meron daw isang buwan na effectivity 'yun bago ako bigyan ng clearance. Buti na lang, may 16 days na leave pa ako kaya 'yun ang ginamit ko nung mga huling araw ko. Bumigat din naman ang puso ko sa pag-alis ko. Nalungkot ako dahil maiiwan ko ang mga naging kaibigan ko sa mundong ginalawan ko sa higit na isang taon (at ang mga regalo ng mga kliyente 'pag pasko) pero kailangan ko na talagang umeskapo.

Pinag-aral ulit ako ng aking ina at siya na rin ang nag-desisyon na pagtuturo ang tahakin ko. Noong mga panahong iyon ay wala naman talaga akong balak na mag-aral pero sinabi niya na hindi daw nawawalan ng trabaho ang mga guro. Kaya itinuloy ko. Sa totoo lang, hindi ko rin naman kasi alam ang gusto ko. Masuwerte ang mga batang ipinanganak na alam na nila ang gusto nila sa buhay nila. Isa ako sa mga taong nagpapaagos sa takbo ng panahon. Kung saan mapadpad ay saka lamang ako magde-desisyon kung mananatili o magpapatangay. Hindi madali maging ganun pero tinanggap ko na ganun lang talaga ako.
Natapos ko ang ikalawang kurso ko sa loob ng isang taon lang, masuwerte ako sa mga magulang ko na sinuportahan ako kahit 24-anyos na ako at dapat ay may maayos na akong trabaho nun. Pumasa ako sa board exams at tumambay ulit. Mga limang buwan rin ako naghanap at nagpadala ng mga resume sa mga eskwelahan. Wala naman akong mga tawag na nakuha mula sa kanila. Dahil siguro sa kalagitnaan na ng pasukan nung panahon na 'yun at sino naman kaya ang aalis sa trabaho ng biglaan para palitan ko. 'Di pa rin nawalan ng pag-asa ang nanay ko. Wala akong narinig na sumbat mula sa kanya. Lagi niya lang akong sinusuportahan sa paghahanap ko ng trabaho.
Hanggang sa may nagbanggit na bakit hindi ako sumubok sa public school. At ika nga nila, the rest is history...
Mahirap makapasok sa public school. Para kang sumusuot sa kung anumang masikip na bagay o lugar. 'Yun ang hindi ko maintindihan hanggang noong nakapasok na ako sa public school. Eto ang iilan sa mga bentahe ng pagpasok sa public school;
Pero kaakibat ng mga bentahe na 'yan ay ang mga hamon na kailangang harapin. Parang malayo sa realidad ang mga ito pero hindi pala talaga O.A. ang mga nakikita ko dati sa T.V. na kakulangan sa mga paaralan. Totoo pala talaga. Totoong may kakulangan. Totoong isang hamon ang pagpasok ko sa public school. Kaya pala nung na-interview ako nung Principal tinanong niya kung kakayanin ko ba daw ang pagtuturo sa public school at ang walang kagatol-gatol na sagot ko ay "Yes ma'am!". Pagkatapos nun ay sinabi niya na mahihirapan daw ako dahil galing daw ako ng private school simula Kinder hanggang High School. Sabi ko naman ay sa state university naman ako nag-aral nung College. Magkaiba daw 'yun.
At totoo nga. Iba nga. Ibang-ibang-iba nga talaga.
Nung unang araw ng pagpasok ko, ang akala ko'y may "proper" training na magsa-shadow teaching muna ako sa eskwelahan. Mali pala ako. Ganito ang nangyari sa unang beses na pag-uusap namin ng head teacher/immediate supervisor ko sa MAPEH;
May halong kaba, gulat at excitement ang naramdaman ko habang sinasabi niya 'yun. Parang komersyal ng Diatabs. Ang daming impormasyon at 'di ako binigyan ng oras para mag-react man lang. Gusto kong sabihin na bago lang akong teacher sa public school, ang malupit pa dun eh bago pa lamang akong teacher, period. 'Di ko pa alam ang takbo sa klasrum. 'Di ko pa alam kung anong klaseng guro ako. Wala ba man lang 1-week training o kung anuman? Wala. Walang wala.
Nung gabing iyon, imbes na magbasa ako ng libro na ibinigay sa akin eh pumunta ako ng mall. Bumili ako ng sapatos (dahil wala ako nun) at damit na sa tingin ko ay katanggap-tanggap bilang ako ay isang guro na. Bumili rin ako ng school supplies ko. Hindi ko na binasa ang guide at aklat.
Sa unang araw ng aking pagtuturo ay parang naramdaman ko din ang pakiramdam ng isang 1st year high school na pumasok sa bagong eskwelahan. Bago ang mga taong makakasalamuha. Bago ang paligid. Bago ang lahat. Basta bago. Lahat ng makakasalubong ay ngingitian. Kulang na lang ay dikitan ko ng nakangiting maskara ang bibig ko. Isipin mo, kinakabahan ka na sa pagpasok mo tapos may bago kang suot na sapatos at kailangan mo pang ngitian at mag Good Morning sa lahat ng kaguruan, eh halos 200 kaya ang mga guro dun.
Alas-sais ng umaga ang pasok ko ngunit 5:45 a.m. eh nandun na ako. 'Di ko alam kung saan ako pupunta dahil 'di sinabi sa akin ng head teacher ko kung saang faculty room ako maglalagi. Hinanap ko ang unang klase ko sa araw na 'yun at inantay ang mga estudyante sa labas ng kwarto nila.
4th year ang unang klase ko at dahil sa sadyang hindi ako matangkad ay dinadaanan ako ng mga bata at inaakala siguro nila na ate lang ako ng kaklase nila dahil 'pag nabubunggo nila ako ay "Sorry Ate" ang binabanggit nila. Nag-bell na kasi kaya sila nagtatakbuhan. 6:10 na pero wala pa sa kalahati ang mga estudyante. Pumasok na ako sa loob at laking gulat nila na ako pala ang guro nila. Makikita mo sa mukha nila. Eh bakit nga ba hindi eh 'yung iba ay mas matatanda pa sa akin. Ginawa ko lang ang binilin ng head teacher ko sa akin na 'wag muna akong ngumiti. Magpaka-Lady Gaga muna, 'Poker face'. Pero iba talaga. Ibang-iba 'pag ikaw na ang guro. Naaalala ko pa dati na isa ako sa pinaka-maingay sa klase pero ngayon ay ako na ang guro at ayoko makarinig ng kahit na bulong lamang. Nasisira ang konsentrasyon ko sa pagtuturo. Ngayon naintindihan ko na ang mga guro ko dati at kung bakit may listahan ng Noisy, Standing at NIPS. Kaya pala nung nabanggit ko sa isang propesor ko ang kinalalagyan ko ngayon eh isa lang ang nasabi niya, "Ang bilis ng balik ng karma noh Carla?". Salamat Binibining Joson, pinalakas mo ang loob ko sa mga sinabi mong 'yun.
Halos tatlong taon na noong nangyari 'yun pero klaro pa ang lahat sa akin. Ngayon ay tinatawanan ko na lang lahat 'yun. Ngayon eh sanay na sanay na ako. Alam ko na ang dapat at hindi dapat gawin sa iba't-ibang sitwasyon. Natutunan ko na kung paano didisiplinahin ang mga bata sa pamamagitan ng titig lamang. Walang kasamang pagbabanta o pananakot. Titig lang.
Eh bakit nga ba hindi ako magtuturo? Bukod sa isang napaka-huwarang trabaho nito ay marami akong natututunan araw-araw. At sa totoo lang talaga, mas marami pa akong natututunan sa mga estudyante kaysa sa sila sa akin. Biruin mo nga naman, 40-45 na estudyante kada kwarto, mga 5 kwarto kada araw. Ilang mga indibidwal ang nakakasalamuha ko araw-araw. Ilang hinaing at kwento pag-ibig ang naririnig ko sa mga batang 'yun. At 'di rin ako makapaniwala na magsasabi ako ng, Maiintindihan 'nyo rin ako pagtanda 'nyo.
Masaya na mahirap. Parang ang buhay lang natin. Hindi sa lahat ng oras ay kalma ang buhay. May mga hamon na haharapin araw-araw.
Natutuwa rin ako sa katotohanan na parte ako ng buhay ng mga kabataang ito. Sampung buwan ko silang kapiling sa loob ng isang taon. Mas mahaba pa ang oras na kasama ko sila sa isang araw kaysa sa mga magulang nila. Isang malaking pribilehiyo na nga siguro ang mahawakan mo kahit sandali lang ang buhay at pangarap ng mga kabataang ito. Kahit ilang buwan o panahon lang. Malaking bagay na sa akin 'yun.
'Di ko alam kung habambuhay akong mananatili sa kinalalagyan ko pero sa ngayon, ok na ko. Ngayon lang ako tumagal sa isang bagay na nagpatangay lamang ako. Na hindi ko inakala na magugustuhan at mamahalin ko rin pala. At bakit nga ba hindi? Bakit nga ba?
Natapos ko ang ikalawang kurso ko sa loob ng isang taon lang, masuwerte ako sa mga magulang ko na sinuportahan ako kahit 24-anyos na ako at dapat ay may maayos na akong trabaho nun. Pumasa ako sa board exams at tumambay ulit. Mga limang buwan rin ako naghanap at nagpadala ng mga resume sa mga eskwelahan. Wala naman akong mga tawag na nakuha mula sa kanila. Dahil siguro sa kalagitnaan na ng pasukan nung panahon na 'yun at sino naman kaya ang aalis sa trabaho ng biglaan para palitan ko. 'Di pa rin nawalan ng pag-asa ang nanay ko. Wala akong narinig na sumbat mula sa kanya. Lagi niya lang akong sinusuportahan sa paghahanap ko ng trabaho.
Hanggang sa may nagbanggit na bakit hindi ako sumubok sa public school. At ika nga nila, the rest is history...
Mahirap makapasok sa public school. Para kang sumusuot sa kung anumang masikip na bagay o lugar. 'Yun ang hindi ko maintindihan hanggang noong nakapasok na ako sa public school. Eto ang iilan sa mga bentahe ng pagpasok sa public school;
6 hours lang ang official time kada araw - mga 3 to 4 hours lang ang teaching hours dun.
Kapag sinuspende ang klase (bagyo, lindol, kudeta, at kung ano pa)
ay may bayad ang buong araw na 'yun.
Walang amo na laging nakabantay sa'yo habang nagtatrabaho.
May sahod kapag summer vacation at 'di required na pumunta ka sa eskwelahan.
Araw-araw ay mga bagets ang kasama kaya feeling bata ka din.
May sahod kapag summer vacation at 'di required na pumunta ka sa eskwelahan.
Araw-araw ay mga bagets ang kasama kaya feeling bata ka din.
At totoo nga. Iba nga. Ibang-ibang-iba nga talaga.
Nung unang araw ng pagpasok ko, ang akala ko'y may "proper" training na magsa-shadow teaching muna ako sa eskwelahan. Mali pala ako. Ganito ang nangyari sa unang beses na pag-uusap namin ng head teacher/immediate supervisor ko sa MAPEH;
O, eto yung teaching guide mo, eto na rin 'yung schedule mo. 1st year at 4th year ang hawak mo. 6:00 a.m. to 12:10 p.m. ang official time mo everyday. Tignan mo na lang 'yung mga vacant hours mo tapos dun ka gagawa ng mga visual aids mo. May advisory class ka nga rin pala, 1st year section Chico. Papahiramin rin kita ng mga libro na magagamit mo pero try mo mag-produce ng sarili mo para mas maganda. Walang aklat ang mga bata sa M.A.P.E.H. kaya ikaw na dumiskarte kung paano ang gagawin mo dun. Pwede ka na magturo ngayon kasi walang teacher 'yung mga bata, ay kaya lang bukas na lang para makapaghanda ka. 'Yun na muna siguro, may tanong ka pa ba? Ay last na, wag ka munang ngumiti sa mga estudyante mo sa unang linggo mo ng pagtuturo. Basta 'wag na muna.
May halong kaba, gulat at excitement ang naramdaman ko habang sinasabi niya 'yun. Parang komersyal ng Diatabs. Ang daming impormasyon at 'di ako binigyan ng oras para mag-react man lang. Gusto kong sabihin na bago lang akong teacher sa public school, ang malupit pa dun eh bago pa lamang akong teacher, period. 'Di ko pa alam ang takbo sa klasrum. 'Di ko pa alam kung anong klaseng guro ako. Wala ba man lang 1-week training o kung anuman? Wala. Walang wala.
Nung gabing iyon, imbes na magbasa ako ng libro na ibinigay sa akin eh pumunta ako ng mall. Bumili ako ng sapatos (dahil wala ako nun) at damit na sa tingin ko ay katanggap-tanggap bilang ako ay isang guro na. Bumili rin ako ng school supplies ko. Hindi ko na binasa ang guide at aklat.
Sa unang araw ng aking pagtuturo ay parang naramdaman ko din ang pakiramdam ng isang 1st year high school na pumasok sa bagong eskwelahan. Bago ang mga taong makakasalamuha. Bago ang paligid. Bago ang lahat. Basta bago. Lahat ng makakasalubong ay ngingitian. Kulang na lang ay dikitan ko ng nakangiting maskara ang bibig ko. Isipin mo, kinakabahan ka na sa pagpasok mo tapos may bago kang suot na sapatos at kailangan mo pang ngitian at mag Good Morning sa lahat ng kaguruan, eh halos 200 kaya ang mga guro dun.
Alas-sais ng umaga ang pasok ko ngunit 5:45 a.m. eh nandun na ako. 'Di ko alam kung saan ako pupunta dahil 'di sinabi sa akin ng head teacher ko kung saang faculty room ako maglalagi. Hinanap ko ang unang klase ko sa araw na 'yun at inantay ang mga estudyante sa labas ng kwarto nila.
4th year ang unang klase ko at dahil sa sadyang hindi ako matangkad ay dinadaanan ako ng mga bata at inaakala siguro nila na ate lang ako ng kaklase nila dahil 'pag nabubunggo nila ako ay "Sorry Ate" ang binabanggit nila. Nag-bell na kasi kaya sila nagtatakbuhan. 6:10 na pero wala pa sa kalahati ang mga estudyante. Pumasok na ako sa loob at laking gulat nila na ako pala ang guro nila. Makikita mo sa mukha nila. Eh bakit nga ba hindi eh 'yung iba ay mas matatanda pa sa akin. Ginawa ko lang ang binilin ng head teacher ko sa akin na 'wag muna akong ngumiti. Magpaka-Lady Gaga muna, 'Poker face'. Pero iba talaga. Ibang-iba 'pag ikaw na ang guro. Naaalala ko pa dati na isa ako sa pinaka-maingay sa klase pero ngayon ay ako na ang guro at ayoko makarinig ng kahit na bulong lamang. Nasisira ang konsentrasyon ko sa pagtuturo. Ngayon naintindihan ko na ang mga guro ko dati at kung bakit may listahan ng Noisy, Standing at NIPS. Kaya pala nung nabanggit ko sa isang propesor ko ang kinalalagyan ko ngayon eh isa lang ang nasabi niya, "Ang bilis ng balik ng karma noh Carla?". Salamat Binibining Joson, pinalakas mo ang loob ko sa mga sinabi mong 'yun.
Halos tatlong taon na noong nangyari 'yun pero klaro pa ang lahat sa akin. Ngayon ay tinatawanan ko na lang lahat 'yun. Ngayon eh sanay na sanay na ako. Alam ko na ang dapat at hindi dapat gawin sa iba't-ibang sitwasyon. Natutunan ko na kung paano didisiplinahin ang mga bata sa pamamagitan ng titig lamang. Walang kasamang pagbabanta o pananakot. Titig lang.
Eh bakit nga ba hindi ako magtuturo? Bukod sa isang napaka-huwarang trabaho nito ay marami akong natututunan araw-araw. At sa totoo lang talaga, mas marami pa akong natututunan sa mga estudyante kaysa sa sila sa akin. Biruin mo nga naman, 40-45 na estudyante kada kwarto, mga 5 kwarto kada araw. Ilang mga indibidwal ang nakakasalamuha ko araw-araw. Ilang hinaing at kwento pag-ibig ang naririnig ko sa mga batang 'yun. At 'di rin ako makapaniwala na magsasabi ako ng, Maiintindihan 'nyo rin ako pagtanda 'nyo.
Masaya na mahirap. Parang ang buhay lang natin. Hindi sa lahat ng oras ay kalma ang buhay. May mga hamon na haharapin araw-araw.
Natutuwa rin ako sa katotohanan na parte ako ng buhay ng mga kabataang ito. Sampung buwan ko silang kapiling sa loob ng isang taon. Mas mahaba pa ang oras na kasama ko sila sa isang araw kaysa sa mga magulang nila. Isang malaking pribilehiyo na nga siguro ang mahawakan mo kahit sandali lang ang buhay at pangarap ng mga kabataang ito. Kahit ilang buwan o panahon lang. Malaking bagay na sa akin 'yun.
'Di ko alam kung habambuhay akong mananatili sa kinalalagyan ko pero sa ngayon, ok na ko. Ngayon lang ako tumagal sa isang bagay na nagpatangay lamang ako. Na hindi ko inakala na magugustuhan at mamahalin ko rin pala. At bakit nga ba hindi? Bakit nga ba?
Sabi nila, wala daw yumayaman sa pagtuturo... pero napakayaman naten sa mga karanasan. Mahirap kasi hindi mo naman yun pwedeng ipambili sa kung saan man. Pero dahil ang buhay ay hindi naman umiikot sa kung anong material na bagay meron tayo, kaya nagiging rewarding parin ang pagiging guro. Sa isang perspective mejo demanding ang pagiging guro. Para ka ksing superhero, tinitingnan at tinitingala. Sa ibang salita, hindi ka dapat magkamali kasi guro ka pa naman. Minsan hindi na naiisip ng iba na tao k parin... nakaklungkot isipin na sa mdalas na pagkkataon, wala kang katwiran... (para bang ikw ang laging mali.) Well, sa isang banda, isa rin namang challenge ito sa mga kaguruan. Naniniwla akong buhay parin sa mga bago at matagal ng guro ang hangaring mabuo ang maliwanang na bukas ng ating mga kabataan.
ReplyDeleteGoodluck Po! Natutuwa ako sa mga blog mo po.
True
DeleteGusto ko din maging teacher, pero hindi ako magaling mag turo! :)
ReplyDelete@j.freigh- kung pera ang hanap ng isang tao, wala talaga iyon sa pagtuturo... kaya nga ang iba ay pinipili na mangibang-bansa...
ReplyDeletekahit naman siguro saang propesyon ay may "chismis" at "imoralidad" o kung anuman... nasa tao na lang iyon kung pano ka magpapaagos...
gagawa ako ng post sa mga susunod na panahon tungkol sa pagiging matandang dalaga at pagkakaroon ng ka-relasyon o asawa na estudyante...
bukod sa aralin na tinuturo natin, ang pinaka-importante sa tingin ko ay ang magandang asal na ibinabahagi natin sa kanila, at ako? ang misyon ko ay ang turuan mangarap ang mga bata...
salamat at ipagpatuloy mo rin lang ang pagiging inspirasyon sa mga kabataan...
@marx- go! ako din ganyan nung simula, yung tipong ang gulo-gulo ko mag-explain, pero matututo ka din...mas maganda nga yung ganyan sa'yo dahil alam mong may kailangan ka pang matutunan... mahirap na masaya ang pagtuturo... at walang age limit sa paga-apply... go go go!
ReplyDeletetaga bangko ka pala dati, very rare case no? kahit kasi ako nagulat. hindi dahil nagteacher ka. kundi malayo kasi yung fields na yan..
ReplyDeleteat bongga ha, kahit summer ay may sweldo.
saludo ko sa gaya nyo, alam kong underpaid kasi sharing all your knowledge and love among the young - priceless! =)
ay naku chyng...mas magugulat ka kung nalaman mo kung anong course ko nung college...sobrang walang kuneksyon sa dalawa, haha...
ReplyDeleteKailangan ng public schools ng matatalinong guro gaya mo. ;)
ReplyDeletewow!thank you...dapat nga siguro requirement sa mga Education majors from our state universities na mag-serve muna sa public school kahit 2 years lang para naman masulit yung pinang-aral ng bayan sa kanila..
ReplyDeleteSobrang saludo po ako sayo ma'am. =)
ReplyDeleteSalamat christian!
ReplyDeleteAng hirap naman nun, magturo nang walang book. Pero ngayon meron na di ba? Except sa 2nd year kasi pagkakaalam ko wala pang na-procure ang DepEd na MAPEH book 2nd year. Kawawa naman ang bata at teacher kung walang book. Magsisimula na ang k-12 curriculum, wala pang nakukuhang 2nd book based on the previous curriculum. Sana sa pagpasok ng K-12 ay may ready materials na para sa mga bata, lalo't nung nasilip ko ito ay napansin kong medyo malaki ang pagbabago kumpara sa naunang curriculum.
ReplyDeletehello mam...natuwa naman ako sa entry mo..kaaliw! i really admire you! dhil kagaya mo kmuha rin ako ng educ after ko mg-graduate pero unfortunately wla tlga sa puso ko ang magturo ...at ngayon nagwo-work ako sa govt agency na sa hinagap din ay di ko naisip na makakapasok ako..hahaha! wat a lyf! gudluck!!!!
ReplyDeletethanks ronelie and nortehanon! :)
ReplyDeletehindi ko alam kung paano ako napadpad dito pero nag-enjoy ako sa kwento ng first day High mo. :D
ReplyDeletesalamat katherine! :)
DeleteNakakainspire naman ang kwento mo.. sana ako din mahanap ko din ang contentment at happiness sa career.. saludo ako sa mga gurong tulad mo, parents ko ay mga retired public teachers.
ReplyDeletesalamat gracie... kusang dadating yang happiness and contentment na yan... sa panahon na hindi mo inaakala :)
DeleteSaludo ako sa yo ma'm! God bless po
ReplyDeletesalamat po ng marami :)
DeleteFrom Elementary to high school sa public schools ako kaya Saludo ako sa mga gurong Pilipino!
ReplyDeletesalamat billy! :)
DeleteI love your page and blog entries! I feel the honesty and sincerity!
ReplyDeleteKudos to you Ma'am!
-Billy Palatino of http://galaero-escapetravels.blogspot.com/
thanks again billy!:)
Deletemaraming salamat!! sa pag share mo nito.. eh bakit nga ba hindi?! ^__^
ReplyDeleteSALUDO AKO SAYO!
salamat po! :)
DeleteMa'am!! Saludo ako sayo! Alam mo yan!! :) Isa ka sa mga astig na gurong kilala ko! Nawa'y madami pang maging kagaya mo sa mga susunod na taon! :)
ReplyDeletewow salamat naman irish. :)
Deletenakakatuwa naman to. nakakarelate ako, baliktad lang sa kin. iniwan ko ang pagtuturo kasi kailangan kong makapag-ipon at ang hirap mag-ipon kapag guro ka sa private school. di ko alam kung kakayanin ko ang public. bilib ako sa yo mam! hahaha
ReplyDeletesalamat naman Jay! I think kakayanin mo naman ang public basta nasa puso mo ang pagtuturo :)
Deletenaks naman. nakaka taba ng puso pag guro din ang bumabasa nito! congrats!
ReplyDeletesalamat tina! mabuhay ka :)
DeleteNakakatakot at nakaka-excite. Mag-dedemo ako sa private school pero mas gusto ko magturo sa public kasi mas nangangai-ilangan ang mga bata sa public schools. Galingan mo pa, ma'am.
ReplyDeleteFrom another ma'am. :D
Goodluck sage! Kahit private o public man ang importante eh nasa serbisyo :)
DeleteAngela.. im so proud of what you've become! You found your spot na., im still here @ the bank.. i dont knw if you can remember na ako yun gusto maging guro sa atin.. in a way i educate people na rin.. financially, that is.. keep it up! Students need "talentadong" teachers like you!
ReplyDeleteihh. sino to? malamang HS classmate to, angela talaga. haha.
Deletesalamat ha? masaya rin naman sa bangko, di lang siguro tlaga para sa'kin :)
mina viola ikaw ba to? hehe... iniisip ko pa rin... :)
Deletesobrang taas ng tingin ko sa mga guro. Not an easy job. Go girl! Ipagpatuloy mo lang yan maam. :)
ReplyDeletenaks. salamat teh! :)
DeleteSaludo! My wife is also a teacher at ibang klase dedication nyo :)
ReplyDeletesalamat naman po :)
DeleteAng gandang post nito :)
ReplyDeletesalamat drew! :)
Deletesame experience, simula ng maging student ako, sabi ko "hinding hindi ako magiging guro "
ReplyDeletebut destiny has its own way :) tama ang bilis ng karma!!! Good Luck to us, are u from PNU?
hi ehm. di po ako from PNU :)
DeleteD best k tlaga titser..sana makadaupang palad kita minsan at makapag pa picture.:D
ReplyDeleteWow naman. Nakakakilig :)
DeleteNakaka-inspire..Di ko din alam ang spot ko before at di ko din alam kung saan ako magiging masaya.
ReplyDeleteI worked as a financial analyst and soon is iiwan ko na din tong trabahong eto to become a teacher.
Binigyan mo ako ng isang valid and inspiring reason to do it.Thanks and keep up the good job!
Wow. Good job Warren. Nawa'y magtagumpay ka sa napili mong bagong tatahakin :)
DeleteI used to be a Private High School teacher. Gandang basahin nito. :)
ReplyDeleteThanks Choi! :)
DeleteBakit ganun? After magbasa ng post po, abanger ako ng comment ni Chyng haha
ReplyDeleteGrabe ganda basahin nito. Realtalk.
Salamat Jush! :)
Deleteeh binasa ko to ulit ngayon, bakit hindi?! nangiti pa din ako all over again...
ReplyDeleteAwww... Salamat naman chyng! :)
DeleteDahl cguro hnd ka education student e hnd ka handa sa public school. Internship usually sa public. Same! Ang hirap may-gulaaay! Kaya ko ba to? Ayoko na! (Mga reaksyon ko nung first day sa internship). Ako lang mag-isa nun kase nka maternity leave ang coop teacher. Pero rewarding yung feeling na, nageenjoy yung mga students sa klase mo. Totoo na, mas madami nga ako natutunan kesa sa mga students ko
ReplyDeleteApir tayo diyan Andrew! :)
Deletefresh graduate po ako Ng BSEd major in mapeh ., kapapasa ko lang ng board exam ko po last september . kaya lang wala ang puso ko sa pagtuturo . marami nag aadvise sa akin na magturo na ako pero hndi ito ang happiness and contentment na hinahanap ko ..sa kasalukuyan call center agent po ako ., :)
ReplyDeleteHello there! Mukhang bata ka pa naman. Explore ka lang. Hanggang sa dadalhin ka na lang ng pangarap at tadhana mo kung saan ka nararapat. Bata ka pa. May karapatan ka pang magkamali sa landas na tatahakin mo. Pribilehiyo mo 'yun :)
Deletesalamat po :)
ReplyDelete:)
DeleteMasaya akong napadpad ako ulit sa bog mo at nabasa ulit ito. Dati akong tambay dito - mga circa 2012 - pero hindi ako sumubok magkomento. Lurker lang. :)
ReplyDeleteSana ganito pa rin ang nararamdaman mo towards teaching. Ang pagtuturo, anila ay isang bokasyon. Saludo ako sayo. :)
Hello RoxDab. Salamat sa pagbisita, pagtambay at pag komento. At oo, ganitong ganito pa rin ang nararamdaman ko sa pagtuturo. Masaya pa rin ako. Salamat ng marami :)
DeleteHello po. Isa po akong online teacher ngayon sa mga banyaga. Masaya po ako sa trabaho ko ngayon pero iniinsist po ng mahal ko sa buhay na pumasok ako sa public kahit na na-reject na po ako dun dati. Galing po akong private school, and I think dala ko pa rin yung burnout and anxiety ko noon hanggang ngayon. Marami po ang nagsasabi sa akin na kayang-kaya ko naman dahil college palang mahusay na raw po ako. Pero labag po sa loob kong sumubok ulit sa public, dahil pakiramdam ko po nawala na yung desire ko doon di tulad ng dati. Sinasabi po nila na para sa pagtanda, mayaman na ako at wala nang poproblemahin pa. Masaya po magturo, pero sa ngayon hindi ko pa makita sarili ko sa public school matapos lahat ng napagdaanan ko dahil sa sistema ng edukasyon sa pinas.
ReplyDeleteDi ko po alam kung active pa 'to pero naghahanap lang po ako ng kausap tungkol dito.
Congratulations po sa inyo.
Hello! I am happy for you that you are an online teacher which means that you still practice your profession. You know what? Regardless of what people say that you should work here and you should be doing ths or that eh dapat happy ka sa chosen field mo. Whether sa public or private pa yan. I can only hope for the best for you in the future pero kahit saan ka man mapunta na institution, as long as there is an organization eh hindi maiiwasan ang "sistema" na binabanggit mo. Maraming mararanasan na maganda at hindi maganda pero at the end of the day, ang importante, ang puso mo ay nasa pagtuturo. Kahit ano pa man ang sabihin ng kahit na sino :)
DeleteI remember you Ma'am, from my high school days in QC, where you initially taught, though I won't specify the school's name. It was during my fourth year of high school, and although you weren't my teacher, there was an instance when I was tasked with leading and creating a bulletin board in M*th*y Hall on the 3rd floor, and you happened to pass by. We sought your feedback on our bulletin board, knowing you were a MAPEH teacher, which we believed would contribute to its improvement. After observing the board for some time, you remarked, "Sa part na ito bandang kanan maganda, sakabila hindi." Naturally, we were offended as we were still adolescents. In response to our surprise, you questioned, "Nagtatanong kayo tas magagalit kayo pag sinabi yung totoo?" (sabay irap) This incident sparked my curiosity about the new teachers in the school, prompting me to assign one of my junior reporters in SANDIGAN (Filipino Journalism) to cover news or activities for the newspaper, with a focus on highlighting the new teachers. As the Associate Editor of that section, I instructed my junior reporter to prioritize featuring you, despite my prior dislike for you. Eventually, the junior reporter informed me that you had graduated from UP and shared details of her interview with you. According to her, among all the interviews she conducted, you were the most cheerful person she spoke to. This revelation served to prove that you weren't actually as unpleasant as perceived. I hope natatandaan nyo pa po ung dyaryo na pinublish namin noon kung saan kasama kayo at ilang bagong teacher noon sa school. That was year 2010. :P
ReplyDeleteOMG! The bulletin board, I totally forgot already but when you mentioned the "irap" thing which actually my "normal eye movement" (that's why people often think that I'm masungit or mataray). Pero the interview, I still remember that. Hihi. How were you able to find me here? Of all the places (or platforms for that matter). Thank you for this message. Nakakatuwa at nakakataba ng puso. Hope to make chika sa'yo. And also, mas gentle na ako sa mga estudyante ngayon na nanay na ako. Hihi
Delete