Papa, gusto ko po maging pre-school teacher…
Ha? Sayang
naman ang binabayad namin sa tuition mo ngayong high school ka kung mag-teacher
ka lang pala…
True story. Ouch. Medyo tumagos sa puso ko ang usapang
narinig ko. Masakit pakinggan. Pero sa isang banda natatawa na lang din ako sa
reaksyon ng magulang, alam ng anak niya ang gusto niya pero hindi ito ang gusto
ng ama nito. Bakit? Dahil teacher lang?
Hindi ito tungkol sa mga bata. Ito ay patungkol sa
mga guro. Sa pagtatapos ng School Year 2015-2016 bibigyang parangal ko ang mga
dakilang guro. Dahil nararapat naman talaga.
Bakit nga ba ang madalas na ang ipinapakitang role
ng mga teacher sa pelikula ay kung hindi matandang dalaga na lampas tuhod ang
palda eh yung mga nagtuturo na may dalang paninda sa loob ng classroom. Nakakaloka.
2016 na pero ganun pa rin.
Nagbabago na ng imahe ang mga guro ngunit iisa pa
rin ang dahilan sa kanilang walang sawang paghubog sa kabataan na ika nga ni
Rizal ay ang pag-asa ng bayan; ang pagmamahal sa napiling propesyon.
Bilib ako sa mga guro na higit sa kinakailangan ang
ginagawa nila upang pagtuunan ng pansin ang mga estudyante nila. Andiyan na
sinusuong nila ang delikadong mga lugar para lamang kamustahin ang mga bata na
hindi na nakakapasok. Aaminin ko, hindi ako ‘yung guro na ‘yun.
Bilib ako sa mga guro na nakukuhang mag sponsor ng
pangangailangan ng ilang mga bata sa pag-aaral nila, mula sa sarili nilang
bulsa. Ako, pang recess lang ang kaya kong i-sponsor.
Bilib ako sa mga guro na kahit hindi kinakailangan
ay nagpipirmi sa eskwelahan para mag tutor sa mga batang nahuhuli sa klase.
Sakto alas-dose ng tanghali ang timeout ko araw-araw (6:00 am to 12:00 noon
lang ang klase ko araw-araw).
At bilib ako sa dedikasyon nila na mapabuti ang
buhay ng mga batang ito kahit na sila mismo ay may mga sariling paghihirap na dinaranas.
Iba sa pakiramdam ang makitang mong ngumingiti at
lumalaban ang mga estudyante sa laban ng buhay eskwela. Maikukumpara ko ang eskwelahan
sa totoong buhay sa labas nito. Ang mga nararanasan ng mga estudyante sa murang
edad nila ay preparasyon para sa buhay nila sa labas. Kailangang maging matatag,
matutong makisama sa lahat at maging mabuting tao. ‘Yan ang kinagigiliwan
ko sa trabaho ko, ang pagkakataon na mahawakan mo ang buhay ng mga batang ito; ang mga future president, doctor, architect, tambay at kung ano pa man.
Alam kong mas marami pang propesyon na may katulad
na sakripisyo at paghihirap. Iba lang talaga ang buhay guro.
Okay. Sige move on na.
Kahapon, pumasok kami sa huling pagkakataon sa
eskwelahan. Natapos na ang School Year 2015-2016. Nag flashback ang mga mukha
ng estudyante ko sa taon na ito; ang mga simpleng ngiti at musmos na tawa. May
kahalong dasal na sana sa susuungin nilang buhay ay maging matatag sila at
mabuting tao kahit ano pa man. Sa kabilang banda ay nasasabik na ako sa susunod
na taon, mga bagong mukha at pag-asa.
Carla, sayang
naman kasi ang galing mo at nag-aral ka pa sa State U?
Bakit naman
po sayang Tita?
Kasi naging teacher
ka…
(Ngingiti ka
na lang talaga dahil hindi nila maiintindihan)
Isang pagpupugay sa nfa gurong katulad mo! Masuwerte ako sa mga naging guro ko mula pagkabata. Marami silang naiambag sa kung ano ako ngayon at kung paano ako mag-isip ngayon. In short, sablay sila kasi sablay ako mag-isip madalas. LOL kidding aside, i salute all hardworking and dedicated teacher (meron din naman kasi talagang iilan na sana katabi ko na lang naupo sa klase at kasabay na umaattend ng remedial class.)
ReplyDeleteApir! :)
DeleteThis ---> ‘Yan ang kinagigiliwan ko sa trabaho ko, ang pagkakataon na mahawakan mo ang buhay ng mga batang ito; ang mga future president, doctor, architect, tambay at kung ano pa man.'
ReplyDeleteBawat pagsasara ng isang School Year, magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ng isang guro... umaasa na sana maging matagumpay lahat ng mga estudyante... Nice post Teacher Carla!
Salamat Jaytee! :)
DeleteVery well said. :-) tayong mga guro ang pinakamapalad sa lahat. May pagkakataon tayo na baguhin ang mga bata at ituro kung ano ang tama o mali. Pero pagiging guro din ang may pinakamasakit na propesyon sa lahat ng aspeto. Masaya dahil tayo ang nagbibigay inspiration sa kanila na abuti ang mga pangarap natin. Malungkot dahil taon-taon na lang nila tayo iniiwan. Sa huli kung walang mga guro wala din ibang propesyon.
ReplyDeleteTruelaloo Pia! Apir :)
DeleteApir tayo!! :-) dahil dyan, idol na kita. :-) sana ma-meet kita one of these days.
DeleteI also start travelling to see the world. :-)
Go go go Pia! :)
DeleteHope to neet you one of this days. Happy Teacher's month month to us.
DeleteSame here Pia! :)
Deletepwede po ba maging guro kahit di ko alam kadalasang tinuturo sa highschool? wala akong major na alam sa math, science, social studies etc etc kaka graduate ko lang ng BS hotel at restaurant. Tinuturo po ba ung ituturo namin sa akin? tulad ng apec school nag aaccept sila kahit fresh grad ng any course.
ReplyDeleteIf you want to teach in grade school or high school, you should have taken units in Education and pass the Licensure Examination for Teachers. Sa college hindi ko alam ang requirements to teach :)
Delete