Natapos ang dalawang buwang bakasyon nang hindi ko nararamdaman. Kung bibilangin ko eh iilang araw lang talaga ako nag-pirmi sa bahay namin. Kaliwa't-kanan na biyahe at paglalayag ang inatupag ko kasi. Hanggang napansin ko nalang na pasukan na pala. Pasukan na at hindi pa ako nakakabili ng bagong sapatos at mga gamit sa eskwela. Ako na ang pinakahandang guro sa taon na 'to.
Unang Lunes ng Hunyo at mabigat ang pakiramdam ko dahil sa puyat at pagod mula sa huling biyahe, Lingo ng gabi ako bumalik. Eksaktong alas-sais ng umaga ako dumating sa school (ang regular na schedule ko). Maganda ang sikat ng araw at mapapansin na puno ang quadrangle ng eskwelahan. Mga Grade 7 at 4th year students na kapwa pang -umaga (1st shift, 6:00-12:00).
May halong kaba at excitement sa mukha ng mga Grade 7 na estudyante. Alam kong sila 'yun dahil bago sila sa paningin ko. Mapapansing bago lahat ng gamit nila. Kabaligtaran naman ang sa mga 4th year students. May mga kumpulang naganap at hindi magkamayaw sa halakhakan at kwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Isa-isa ring lumapit sa akin ang mga dati kong estudyante para magmano (namamangha pa rin ako hanggang sa ngayon sa ganitong ugali ng mga bata, tatak public school daw 'yun).
Nakakatuwang pagmasdan ang mga magulang na hindi inalisan ng tingin ang kanilang mga anak. Parang elementary school lang na hinahatid ng mga magulang. Sa totoo lang, mas marami pang magulang kaysa sa mga guro noong oras na iyon. Pinapanood ang mga anak nila sa pagpila sa tamang section nila. Nakakatuwa.
Nagsimula ang kauna-unahang Flag Ceremony ng School Year 2014-2015 ng payapa. Lupang Hinirang, Panalangin, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas, NCR Hymn at Quezon City Hymn, pagkatapos ay pumwesto na ang aming bagong principal sa stage para i-welcome ang mga bagets.
Isang saglit pa ay malinis na ulit ang quadrangle. Umakyat na sa kani-kaniyang mga classroom ang mga estudyante kapiling ang kanilang mga adviser. At dahil hindi ako adviser ay naiwan ako sa grounds at nakipag-kwentuhan sa mga kaguruan.
Natanggap ko ang aking schedule sa taon na ito at napansin na pito ang sections na hahawakan ko, pinakamarami sa anim na taon kong pagtuturo. Nadismaya ako at papunta na sa pagrereklamo (dahil kulang sa isang araw ang pitong sections) nang sabihan ako na regular schedule na daw. Kalasan ang mga kaguruan at nagkaniya-kaniya nang punta sa mga hawak nilang section.
Dahan-dahan kong binubuhat ang mabibigat kong paa paakyat ng ikatlong palapag. 'Di dahil sa tinatamad pa akong magturo ngunit ang tindi ng pagod at antok ko dahil sa katatapos lang na biyahe ko.
Naguluhan ako sa ayos ng mga kwarto. Hinati ang normal na silid at ginawang dalawang classroom. Ang dami kasing giniba nung nakaraang school year upang tayuan ng bagong mga building kaya tiis muna lahat sa masikip na kwarto.
Kung titignan mo ay parang ok lang ang sitwasyon ng mga bagets sa loob ng kwarto ngunit pagpasok mo ay mararamdaman mo ang tunay na kalagayan nila. Mainit at masikip. Hindi mo man lang maigalaw ang mga silya sa pagkakaayos nito dahil kailangan mong galawin ang lahat. Ang mga braso nila ay nagbubungguan sa tuwing kailangan nilang magsulat. Dagdagan mo pa ng sobrang init ng panahon (at alas-siete pa lang ng umaga nun), wala ding electric fan kahit isa sa mga sections na hawak ko (mabenta ang pamaypay sa labasan). Tagaktak ang pawis ng mga bata at natutuluan ang bagong mga notebook at gamit nila. Pero hindi nila alintana 'yun, mabibilib ka sa tatag ng mga batang ito sa kabila ng hirap na nararanasan nila. Ang inisip ko na lang, hindi nga sila nagrereklamo tapos ako mag-iinarte pa?
At saka ko naisip ang mga kakulangan. Kakulangan na taun-taon na lang binabanggit pero ganun pa rin, ganun pa rin... At maiisip mong bigla ang mga kalagayan ng mga eskwelahan sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Yolanda...
Gaya ng dati, hindi ako ngumiti sa unang araw. Isang paraan ko para makuha ang atensyon ng mga bagets. Nagpakilala ako ng bahagya at sinambit ang mga kataga na gasgas na gasgas na linya ko taun-taon;
Class, get one-fourth sheet of paper and write your name, address, age, etc. etc. etc. (muntik ko nang sabihin na isulat din nila ang suking tindahan nila pero 'di nila maiintindihan 'yun sigurado ako).
Nakakagulat na makita ang taon ng kapanganakan ng mga bagets na ito, 2001-2002 ang karamihan. Nagkamali pa ako ng tinanong ko ang isang bata kung 19 ano siya ipinanganak, 'di nila ako naintindihan. Naisip ko na naman na kung nag-asawa at nagkaanak ako pagka-graduate ko nung college eh anak ko na itong mga 'to.
Isa-isa kong ininterview ang mga bata sa unang araw ng klase. Depende sa mga sagot nila sa tanong ko ang magiging takbo ng usapan. Paraan ko ito upang makilala ng husto ang mga bata at para alam ko kung anong strategy ang gagamitin ko sa pagtuturo sa section na 'yun.
Pangalan ang una kong inuusisa. Inaalam ko kung alam nila ang pinagmulan ng mga pangalan nila. Mahilig ako sa ganun. Naalala ko nung bata ako, ilang beses kong tinatanong ang mga magulang ko kung saan nila nakuha ang pangalang "Carla". At paulit-ulit din naman nilang sasabihin na sa sikat na singer noong 80s na si Carla Martinez ang pinag-ugatan ng pangalan ko. Hindi pa kasi uso ang Google dati kaya lagi kong tinatanong. Ngunit nung nagka-isip na ako ay madalas kong tinitignan sa mga Baby Book ang ibig sabihin ng pangalang "Carla", sabi sa mga aklat eh "Strong" daw ang ibig sabihin nun.
Sa halos 250 na estudyante ko ngayong taon eh mga 100 lang talaga ang nakakaalam ng pinag-ugatan ng pangalan nila. At ilan sa mga 'yun ang tumatak talaga. Eto ang census ng mga pinagmulan ng pangalan ng mga estudyante ko sa taon na ito:
Showbiz
Diether Klein (galing kay Diether Ocampo at Calvin Klein)
Marvin (Agustin)
Kristine (Hermosa)
Jericho (Rosales)
Andrea (del Rosario)
Karen (commercial sa McDo, kailangan ko pang ikwento sa buong klase ang commercial na 'yun)
Hubert (Webb)
Gwyneth (Paltrow)
Vince (Carter)
Kate (Titanic)
Charlie Mac (singer, Salbakuta)
Animated
Cinderella
Gohann (Dragon Ball Z)
Michael Angelo (Teenage Mutant Ninja Turtles)
Luigi (Mario Brothers)
Hiedeevee (Heidi)
Combo (nanay and tatay version)
Wilcel (Wilmer, Maricel)
Gerryluz (Gerry, Luzviminda)
Michaeella (Michael, Ella)
Leomyr (Leopoldo, Myrna)
Esver (Ester, Virgilio)
Desmond (Desiree, Edmond)
Lhaniel (Lannie, Daniel)
Combo (nanay and ex boyfriend version)
Marichu (Marie, Cholo)
Combo (lahat na version)
Jimmrae Edvinmyr (Jimmileemay - nanay, Raymond - tatay, Ed - lolo sa tatay, Myrna - lola sa tatay at Divina - lola sa nanay. Hindi na nailagay ang lolo sa tatay na Ubaldo ang pangalan)Version 2.0 (improved, level-up)
Henaro (Henar)
Jaspe (Jasper)
Carlo (Carlos)
Roi (Roy)
Ahlexis (Alex)
Wrong spelling, wrong
Xurchill (Churchill)
Felicitie (Felicity)
Maybellen (Maybelline)
Rythm (Rhythm)
Brice (Bruce)
Branding
Nestle (ang pinaglihian)
Whisper (may nalaglag na box ng Whisper nung nanganganak ang nanay niya)
Winston (yosi ng tatay niya)
Shekinnah (bus company)
Kashieca (boutique)
Mahabang-mahabang-mahaba
Juliana Marie Grace
John Paul Patrick
Ma. Celine Ann Joy
Bahala na kayo
Qgyinne Trysztanne
Kayezzyleen
True story
Rizza Jane (ang pangalan ng dalawang nurses na nagpaanak sa nanay niya na kritikal ang lagay noon)
Onica (galing sa "unica hija" dahil nag-iisang anak siya)
Mala-family tree na pangalan |
Nakabawi na ako sa puyat at pagod noong nakaraang bakasyon. Hindi pa rin ako nakakabili ng sapatos ko at mga gamit sa eswela (chalk, colored papers, etc.). Hindi pa rin naaayos ang schedule ko na malapit nang mag-blackout sa Bingo ang itsura simula Lunes hanggang Biyernes. Ganunpaman handa na ako. Tinatanggap ko ang mga hamon at sa mga estudyante ko ngayong taon, let's rock and roll!
more teacher stories ma'am! :)
ReplyDeletesige try ko christian. hehe
DeleteI always have this something for teachers. :)
ReplyDeleteano yung "something" na yun joms? :)
Deleterespect, appreciation, admiration - to name a few. i think, next to our parents, they are the most appealing people to be with. :)
DeleteHow about meeting and seeing you teach those children in action? I miss schooling, btw..
DeleteHaha. I dunnno how to act when someone I know is around. Maiiba siguro turo ko. Haha
DeleteCarla = Strong -> pasok na pasok sa'yo, mam :D
ReplyDeleteNakakaaliw yung combo ng names haha ako naman yung pangalan ko inspired sa singer na si Mike Francis (+). May isa pang version kung paano ko nakuha yung buong pangalan ko, but i'd rather stick sa showbiz version lol :D
Sana maaksyunan na yung problema sa classrooms. Taon-taon yan ang problema pero parang kulang pa rin ang effort nila. I know they can do better but...
Hmm... Mike Francis pala... ano na yung isang version Mica bilis! :)
DeleteNatawa ako sa 'Bahala na kayo'....
ReplyDeleteAng hirap i-classify eh. Hehe
DeleteNatawa ako sa Combo (nanay and ex boyfriend version), Wrong spelling, wrong at Bahala na kayo! Haha! Maghihintay pa ako Ma'am Carla ng mga kwento mo ha! :)
ReplyDeleteSalamat Irish! :)
DeleteBagay na bagay sayo ang name mo tlaga.
ReplyDeleteNaks naman... :)
Deletealam na alam ng magulang mo kng ano personality mo. Bagay ang pangalan. Hehe isa kang huwarang guro. Btw kawawa naman mga estudyante siksikan sa kwrto. Nawa'y magkaroon ka ng isang masayang bagong taon ng pagtuturo. #tagalogkngtagalogangcomment
ReplyDeleteAwardan kita Julius, Most Improved sa pagiging makata! Cheers! :P
DeleteButi hindi nagkaproblema sa NSO si Jimmrae Edvinmyr. Hehe. Inaalala ko rin si Qgyinne Trysztanne, tinipid sa vowels baka mahirapan sa pagkuha ng passport. :))
ReplyDeleteHaha. Alam mo na Mark pag nagkaanak ka na ha? :)
DeleteNatawa ako kay Whisper. Haha. :) Ang lupit ng article na to.
ReplyDeleteActually, marami pang nakakaaliw na kwento. ang hirap lang i-compile :)
Deletesomeday this site will going to be a book. hehe. i enjoy reading yor blog Ms. Carla.
ReplyDeleteWow naman. Bago yan ah. Salamat sa paniniwala :)
Delete