At dumating na naman ang araw na pinakaaantay naming lahat, ang pasukan. Hindi lang mga estudyante kundi pati ang mga kaguruan ay inaantay ang araw na 'to. Matapos ang dalawang buwan na bakasyon ay nagbalik kami upang harapin ang bagong taong-pampaaralan (school year 'yun). Bagong mukha, bagong pakikisalamuha at bagong pag-asa. Halos lahat bago. Masuwerte ako dahil kada taon ay napupunta ako sa ikaunang lebel (na ika-pitong baitang na pala ngayon) na mga estudyante. Fresh out of grade school kumbaga ang peg ng mga bagets na 'to. Hindi na bata pero hindi pa rin matanda. Awkward stage ba.
Tipikal na unang araw. Unang araw sa kahit na anong lugar o bagay. May halong kaba, takot at saya. Nangangapa ng sarili. Hindi alam kung saan ibabaling ang atensyon; sa kaba o sa tuwa. May dating kakilala at may bagong mga mukha. May mahiyain at may volunteer na agad sa pagiging presidente ng klase (kasama ng buong konseho nito). Pero tahimik at kalma ang naging general mood sa klase. Ang tanong diyan eh, "Hanggang kailan?"
Makikita ang lapat na lapat na mga uniporme na halatang dumaan sa plantsa. Maaamoy ang bagong set ng mga notebooks na dahan-dahang inilalabas kahit hindi naman kailangan. Mabibilang ang tatlong piraso ng ballpen na pagkagamit ay ibinabalik din agad ang takip nito - black, blue at red. Mababakas sa mga mukha nila ang sigla at kaba ng unang araw ng pagpasok. Ganun naman lagi 'di ba? Excited ka. Itsurang handang harapin ang kahit na anong hamon ng algebra at geography ng sampung buwan. Ang tanong diyan eh, "Hanggang kailan?".
Sa darating na kinabukasan alam kong maiiba ang takbo ng istorya. Lalabas na ang mga bagay na itinatago. Ang mga maganda at hindi maganda. Ang mga damdamin na noong una ay pinipigilan pa ng kaba o takot upang mailantad ang tunay na nararamdaman. Dahan-dahang haharapin ang katotohanan na hindi lahat ng akala mo nung una ay iyon na pala - isang realidad ng buhay. Ngunit ito ay isang malaking hamon sa amin bilang mga guro. Sa dalawandaang araw na ipinagkatiwala sa amin ang buhay ng mga batang ito; paano ko ipapakita ang mundo sa kanya kung mayroon na siyang nabuong konsepto nito sa murang isipan niya? Mas gusto kong isipin na ang pagtuturo ay higit pa sa mga libro at leksyon sa araw-araw. Ito ay isang paglinang sa kakayahan ng mga batang ito upang sa darating na panahon ay maihanda namin sila na harapin ang hamon sa labas ng eskwelahan. O di kaya'y hinaharap na nila ito sa pangkasalukuyan at kailangan namin silang gabayan ng tama upang hindi sila maligaw sa tinatahak nila. Ang tanong diyan eh, "Hanggang kailan?".
Makalipas ang sampung buwan ay maghihiwa-hiwalay rin kami. Maaaring makita ko pa sila at maaaring hindi na rin. Maaaring maalala pa nila ang mga itinuro at ipinakita ko sa kanila maaaring hindi na rin. Mahirap pero isang magandang oportunidad ang mabigyan ka ng pagkakataong makasalamuha ang halos tatlong daan na bata araw-araw sa loob ng dalawandaang araw. Hindi biro pero may kurot ng ngiti at saya kapag nakikita mo silang masaya at kuntento kung saan man sila mapunta.
Ilang batch na rin ang napa-graduate ko. May iilan na rin na mga bata ang bumabalik sa eskwelahan upang dalawin ako at kwentuhan ng kasalukuyang buhay nila. May dadating, may aalis ngunit may mga taong tunay na tatatak sa buhay mo. Na kahit anong gawin mo ay nariyan lamang siya sa iyo. Iyan ang gusto kong makita at maramdaman nila. Na andito lang ako. Na hindi ko sila iiwan. Na kahit ayaw ko man ay kailangan naming maghiwalay pansamantala upang harapin nila ang mundo na hindi na ako kasama. Masaya na malungkot na masaya. Mas gusto ko bumaling doon sa masaya.
Pangalawang araw na. Ma'am Carla ano na?

Good luck this school year! Kami sa June 17 pa pasok. =) Bakit parang walang elec. fan yung room sa picture.
ReplyDeletehi michi. depende po sa room ang electric fan. pag luma wala na masiyado so ang ending yung mga bata ang nagshshare para makabili ng fan :(
DeleteBack to the usual grind! :)
ReplyDeletekorek michy. ang hirap lang pag galing sa mahabang bakasyon...
Deletema'am nagantay po ako ng babuyan post. hahahahah
ReplyDeletehi vash! biglang may work na ko kaya ang tamad lang magsulat. hehe. pero mapopost yun for sure :)
Deletegod luck satin! hihi :) ganda ng kuha oh! yaman
ReplyDeletehi mots! good luck talaga satin! haha. ikaw din ganda ng mga photos mo. uy mag pphotography na yan :)
Deleteready na si maam pagkatapos sulitin ang gala sa tag araw. hehe
ReplyDeletetama ka diyan mark. kailangan lang ulit masanay na 5 a.m. ang gising :)
Deletewala naman manong. smooth na smooth :)
ReplyDeletehi chong! ang ganda ng bagong bihis ni blissfulguro.com, love it! at well documented pa ang first day, excited na ako sa patikul at babuyan trip mo, post na,hehehe! busy ako kaya hindi na makapagsulat :(
ReplyDeletesalamat naman ice! busy na nga tayo may MA pa noh? hehe. hahanapan natin ng time yan siyempre. oi magsulat ka! :)
DeleteNice post! I miss being a HS student! I miss my teachers :)....ayos din tagalog blogs mo ;)
ReplyDeletehi christell! thanks naman sa support :)
DeleteI salute all the teacher's, Without the teacher's, there is not professionals too. ^^
ReplyDeleteapir tayo diyan jocris! :)
Delete