Miss Pinoy ka?!
(Nagulat ako... Lumingon... Hinanap kung saan nanggaling ang boses.
Nakita ko siya at nagkatitigan kami.)
Pinoy ka no?
(Inisip ko kung sasagot ba ako o hindi...)
Oo, Paano mo nalaman?
Eh kasi nung tinanong mo ako nag-English ka,
madalas kapag ganun Pinoy eh. Kaya tinanong kita.
******
It was my fourth day in Penang, Malaysia that time. I've seen so many different nationalities, heard many languages and mistaken for being a local. But never did I see any Filipino around Penang. Kunsabagay, ang hirap din dahil medyo magkakahawig talaga ang mga Asians. Ang inaabangan kong moment eh 'yung may sisigaw sa akin ng "Kabayan!" - pero wala.
After the first day of my Penang-by-foot trip, it was time to go home for me so I went to the KOMTAR bus station and there was a long queue. I asked a lady if I was on the right line, she said yes. I went in the bus and settled myself on one of the "holding bars" (seats were very few). After a few minutes someone shouted and that was our conversation.
Ate Gina - "Lolo, Karen po..." |
Tinanong niya kung bakit ako andun. Tinanong niya kung naghahanap ba ako ng work o wala lang. Tinanong niya kung kamusta na ang Pilipinas, ang presidente at ang PInoy in general. Tinanong niya ang pangalan ko, edad, trabaho sa Pilipinas at kung anu-ano pa - akala ko pati suking tindahan tatanungin niya eh. May mga bilin din siya sa mga lugar na pupuntahan ko sa Penang at sa mga tao in general. Ang dami niyang tanong at ang dami niyang kwento. Ramdam ko ang excitement niya. Ang ingay lang talaga namin sa bus. Actually, I trust people easily pero I self-edit sometimes.
Marami siyang kwento tungkol sa mga kababayan natin abroad. Tungkol sa buhay OFW. Meron silang lugar na pinupuntahan kada Linggo at doon sila nagku-kwentuhan at doon nauubos ang buong araw nila. Masaya raw silang mga Pinoy lalo na kapag magkakasama. Pero marami rin siyang mga dinetalyeng 'di magandang ugali ng mga Pinoy (base sa mga nakasama niya). Ang inggit at pakikiapid ang tumatak sa akin. Nakinig lang ako sa mga kwento niya. Tumatango ako madalas pero hinayaan ko lang siya. Noon lang kami nagkita at nagkakilala pero ang 45 na minutong biyahe (dahil sa trapik) ay hindi ko napansin dahil sa mga kwento niya. Kahit nakatayo pa kami pareho. Sa ilang minutong 'yun hinayaan ko lang siyang magkwento ng mga nararamdaman niya ukol sa buhay OFW.
Alam kong hindi ko maiintindihan ang isang bagay hangga't hindi ko mararanasan ito. Maaaring ilang porsyento lamang ang kwento niya sa totoong nangyayari at nararanasan niya. Ganunpaman, binigyan niya ako ng isang silip sa buhay nila. Sa buhay ng mga tinatawag nating "Bagong Bayani" (nung elementary ako nauso 'yang bansag na 'yan - hanggang ngayon 'yan pa rin ba?). I wish ate Gina the best- patuloy lang mangarap at tuparin ito. Dadating din tayong lahat diyan.
Pag-uwi ko ay ikinuwento ko sa tita at nanay ko ang naganap. Ang nasabi lang ng tita ko ay, "Di ba ang sabi ko sa'yo, Don't talk to strangers..."
Ikaw? Anong kwentong OFW mo?
Alam kong hindi ko maiintindihan ang isang bagay hangga't hindi ko mararanasan ito. Maaaring ilang porsyento lamang ang kwento niya sa totoong nangyayari at nararanasan niya. Ganunpaman, binigyan niya ako ng isang silip sa buhay nila. Sa buhay ng mga tinatawag nating "Bagong Bayani" (nung elementary ako nauso 'yang bansag na 'yan - hanggang ngayon 'yan pa rin ba?). I wish ate Gina the best- patuloy lang mangarap at tuparin ito. Dadating din tayong lahat diyan.
Pag-uwi ko ay ikinuwento ko sa tita at nanay ko ang naganap. Ang nasabi lang ng tita ko ay, "Di ba ang sabi ko sa'yo, Don't talk to strangers..."
Ikaw? Anong kwentong OFW mo?
When we're in other countries and fellow Pinoys talk to us, it's really hard to just ignore them. I think ganun talaga 'pag magkakalahi. There's really a warmth and connection we can't just ignore. Nung nasa Singapore kami, we also met a couple of Pinoys and it was nice chatting with them naman. :) Anyway, wish ate Gina all the best. Yes, they're still called ang mga bagong bayani (from what I know).
ReplyDeletewaw.. i can feel ate Gina's excitement nung nakita ka nya.. miss na miss na siguro nila ang pinas :)
ReplyDeletethe people you meet on your journey always makes your trip more memorable. pasok na si ate gina sa mga kind strangers list mo..
ReplyDeleteinggit ako sayo, kaya mong buong post na tagalog at ok pa din basahin.. tinatry ko magblog ng purely tagalog, ang hirap!
Hahaha! Sa Deira, UAE pugad ng mga Pinoy lagi na lang may tumatawag sakin ng "kabayan", even Pakistanis! Ay mali, pag Pakistanis pala "Kamusta ganda".
ReplyDeleteisang trade mark ng Pinoy! pag nasa ibang bansa ka subukan mong sumitsit sa gitna ng crowd. Kung may lilingon sayo pihado Pinoy yun... =)
ReplyDeleteaww. naaliw naman ako sa story nya. at sana makahanap na sya ng partner. hehe. kudos to ate gina and all the ofw's all over the globe.
ReplyDeletehi sumi, warm and nice nga si ate Gina. iba talaga ang koneksyon namin in fairness!
ReplyDeletehi bata, sabi niya hindi daw niya namimiss pero sa dami niyang tanong sa akin eh ramdam mo na miss na miss niya na talaga ang pinas.
hi chyng, korek! pasok siya sa list na yun, kung ano man yun. hehe. at ikaw pa talaga ang na-inggit sakin eh noh. hehe. hirap nga talaga ang Filipino. may mga spelling at paggamit na nakakalito.
hi gay, atleast kamusta ganda di ba?! bongga ang mga Pakistani!
hi goryo, tinry nko yan sa nanay ko pero walang pinoy kaya walang lumingon..hehe..pag nag "hoy" kaya ganun din?
hi vin, korek! sana makahanap siya ng partner kc wala na daw siya sa kalendaryo sabi niya...
Parang sabik din si ate may maka-usap na kabayan. Minsan mas madaling mag-open up sa di mo kilala kasi alam mong maliit yung chance na magkikita pa kayo ulit at wala masyadong judgment.
ReplyDeletekorek ka diyan claire. dahil alam niyang di na kami magkikita ever at naibuhos pa niya lahat ng sama ng loob niya - ako naman willing victim :)
ReplyDeletenever pako naka pg travel abroad
ReplyDeletesiguro 2012 mat try ko na mg backing sa south east asia..
kamusta naman stranger!
hihihi!
It also happens to me sometimes even here in the Philippines.. I'm Ilonggo, here in Makati alone, if they hear you talk the language of ilonggos, its very interesting, and normally they'll approach.. I guess wherever you, if you have something in common even for a stranger, it can't be help but to connect.
kung OFW din ako, sabik din cguro ko makakita at mkipagusap sa kapwa pinoy. Makibalita at mailabas ang nasasa loob ko..kaya naparami wento niya sayo hehe..no harm naman if you listen to them. You definitely learned from ate Gina naman, right? Sarap naman food trip niyo..
ReplyDeleteat I wish mag ka love life na rin siya. ^_^ gusto ko rin makipag chikahan sa stranger. lalo na sa OFW. Sabik sila no? yan din sabi ng mga kapwa nating kapamilya artists. hihihi! Char! tagal kong hindi nakabalik sa pag blog hopping. busy busyhan. Kmusta ka na girl?
ReplyDelete@simurgh - go go sa backpacking SEA! ako naman pag nakakarinig ng nag-Zambal eh napapatigil ako at nakikipag kwentuhan, although parents ko lang ang taga Zambales eh i can fluently speak the language :)
ReplyDelete@mitch - sarap talaga mag food trip kahit saan :) marami din akong napulot kay ate Gina :)
hoy maricar! ano nangyari sa iyo? lovelife ba yan kaya ka nawala? haha... ayos lang ako, ikaw musta na?
ang husay ng post mong ito, carla; naaliw ako.
ReplyDeleteisa sa pinakagusto kong linya mo :
"Dalaga pa siya at patuloy na umaasa." ...wagas ito! haha!
sana makilala ko si ate gina sa komtar o sa ibang sulok ng penang pagbalik namin sa isang taon. mukhang masaya syang kausap. kaya lang minsan, tama ang tita mo, ako man ay takot makipag usap sa di kakilala. minsan o kadalasan nga iyong mga taong kakilala mo na, na inakala mong mapapagkatiwalaan at tinuring mong kapatid o kaibigan ay matatanso ka pa.
kwentong ofw? sa 17 buwan ko sa penang, daig ko pa ang sumakay sa roller coaster o mamuhay sa gubat.
lalong lumabas ang pagiging edukada at guro mo sa pananagalog sa blog post na ito. magaling! :)
hi doc! at patuloy pa rin talaga siyang umaasa...
ReplyDeletekorek! sana magkasalubong kaya dun noh?! napaka-small world nun if ever...
ang pagtatagalog ko? di pa rin pasado dahil yung ibang salitang balbal..hehe
Maganda talaga kapag Tagalog ang post. Full of emotions. Hehe...
ReplyDeletesalamat kleng! :)
Delete