Christmas party... Siguro naman lahat tayo ay naka-attend na nito kahit isang beses lang sa buhay natin (exempted kapag ang relihiyon ay hindi sumasang-ayon sa ganitong gawain). Sa eskwela, opisina at kung saan pa ay sigurado ako na lahat tayo ay naka-attend na sa isang christmas party.
******
Kailangan ba 'pag Christmas party bagong bili ang suot na damit at sapatos?
uy excited! |
kabog ang mga guro |
******
Kailangan ba ang mga armchairs eh nakapaikot sa room?
This year ay wala akong advisory class. Maraming pros and cons pero sa mga pagkakataong ganito ay isa itong con. Walang preparasyon o anuman. Walang group presentations. Walang stress sa mga bagets na 'di naman sinunod ang potluck assignment. Walang ingay. Walang saya. Mabuti na lamang ay naimbitahan ako ng isang guro at ng kanyang klase. Inampon ako dahil wala akong mapupuntahan. Ginawa pa nga akong hurado sa mga palaro nila.
nagpa-picture sa'kin. biruin mo 'yun |
Ganun pa rin ang mga pangyayari sa isang tipikal na christmas party sa eskwelahan. Walang pagbabago sa kung anuman ang nangyari nung bata pa ako. Tradisyon na talaga siguro ang pag-arrange ng mga upuan na paikot. Kapag nagkaklase nga ako at kailangan namin ng maraming space ay ganito ang sinasabi ko sa mga bagets, "Paki-arrange ang mga upuan na parang christmas party". Alam na nila 'yun.
******
Kailangan ba laging may pansit at barbecue sa potluck?
Pero may lechon kaya sa isang public school christmas party?
at may lechon |
Hindi mawawala ang pansit, barbecue, cake at zest-o drinks. Sosyal na dati kung may spaghetti ang klase. Pero ano 'yung nakita ko sa kwarto nila? Lechon?! Akala ko tinapay lang na naka-shape na lechon (may nakita na akong ganun dati). Nilapitan ko. Kinurot. Nagulat. Ang oily. Pinilit ko pa rin hindi maniwala pero nung tinikman ko - Confirmed! Lechon nga. Ang bongga ng guro ng section na ito. 'Yung ibang christmas party nga sa mga opisina walang lechon eh. Tinanong ko bigla ang guro kung paano nangyari 'yun. Hindi daw siya nag-abono. Pero ibinulong niya sa'kin ang sikreto. Natuwa ako sa diskarte niya. Makikita ang mga ngiti sa labi ng mga estudyante habang kumukurot sa lechon.
******
Kailangan ba talaga may 'newspaper dance', 'stop dance' at 'bring me' games
sa lahat ng parties?
In fairness sa section na umampon sa akin ay dalawa lang sa mga nabanggit ang kasama sa mga nilaro nila - ang 'stop dance' at 'bring me' (bakit walang newspaper dance?!). May banana-eating, apple-eating, calamansi-eating at polvoron-eating-and-do-the-whistle pa. Mukhang mahilig silang kumain. Bongga ang mga pa-premyo ng mga bata. Magaling ang guro nila sa pagsasagawa ng mga palaro. Marami akong natutunan sa guro na iyon sa mga ganitong pagkakataon.
blindfolded-banana-eating |
'Di ko makakalimutan ang pinaka tanyag na laro sa lahat - ang newspaper dance. Noong bata pa ako ay madalas na ako ang binubuhat kapag maliit na lamang ang espasyo sa dyaryo, dahil sa height kong nahuhuli sa lahat. Pero dahil sa bigat ko din naman noon ay 'di ako/kami nanalo kahit kailan. Dahil siguro hindi lang talaga ako competitive. O baka isa ako sa mga batang walang pakialam at 'di sumeseryoso sa mga ganung bagay. O baka loser lang talaga ako.
******
Kailangan ba na kada kwarto eh "Teach me how to dougie" ang tugtog?
1st year high school 'yang batang 'yan |
Hindi mawawala sa mga christmas parties ang group presentation. At siyempre hindi maitatanggi ang mga sumikat na kanta sa bawat christmas parties 'di ba? Ang "Macarena" at "Otso-Otso" ay dalawa lamang sa mga tumatak sa akin. At siyempre, kasabay na diyan ang mga dance steps at moves na sumikat kasabay ng mga kantang iyon. Ngayong taon, at walang palya ito, kada kwarto ay maririnig ang kantang "'Teach me how to dougie". At kahit remix ang mga kanta ay tiyak na kasama iyong kanta na iyon. At pare-pareho ang dance moves nila. Hanggang ngayon naririnig ko pa din sa tenga ko ang kantang 'yun.
teach me how to dougie |
******
Kailangan pa ba talaga ang yearly christmas presentation ng mga teachers?
Sa taong ito ay "luau" ang tema ng aming padiriwang. 'Di ko alam kung bakit basta 'yun ang napagdesisyunan. Simula sa pananamit at hanggang sa taunang production number ay hawaiian dapat. 'Di ko man naiintindihan kung bakit ay tumalima pa rin ako sa tema ng party.
'yung principal namin 'yung may green na grass skirt. game na game! |
bawal ang KJ |
effort sa costume |
abs kung abs |
Dinaan ko na lang sa attitude |
******
Hindi
ako swerte sa raffle. Kahit anong raffle o palaro 'di na ako umaasa.
Pero simula nitong 2011 ay napansin kong nabago ang kapalaran ko. Noong
January lang eh nanalo ako ng 2,000 na gift certificate sa Trinoma mall.
At sumunod-sunod na ang raffle-winning-moments ko.
the "winning card" |
Normal na sa akin ang pagiging maligalig at maingay. Nung nasa eskwelahan pa ako, pangalan ko ang nauuna sa listahan ng mga "Noisy". Pero sa larong bingo noong nakaraang party namin, tahimik ako. Hindi dahil seryoso ako sa laro ngunit dahil sobrang gutom na ako. Bumili ako sandali sa labas ng eskwelahan ng biscuit at softdrinks (suot ang grass skirt ko) at ipinalaro muna ang card ko. 'Di ako nanalo sa una hanggang sa ikatlong laro. Pagbalik ko, busog na, naglaro na ulit ako sa ika-apat na laro. Ninanamnam ko pa ang kinain ko nung napansin ko na kada tawag ng numero eh nasa card ko. Kinabahan ako lalo nung isang numero na lang eh mananalo na ako. Hindi ko makakalimutan ang pagkakataon na 'yun;
Sa letrang G... G... 50
BINGO!
(pasigaw pero walang emosyon, kilig o excitement - tamang sigaw lang talaga)
Tumingin ang lahat habang tumatayo ako. Makikita sa reaksyon ng mga mukha nila ang pagtataka. May sumisigaw pa na, "Wag nyo muna guluhin ang card baka joke lang 'yan". Nasanay na sila sa pagiging maligalig ko. 'Di nila malaman kung totoo o joke ang pagka-panalo ko. Tahimik lang ako habang umaakyat sa stage. Pati ang mga hosts (na guro din) ay 'di kumbinsido sa pagka-panalo ko. Ang sabi pa eh, "Iche-check muna natin para sigurado". Sa isip ko, I've never been so sure in my life 'till now - chos! At sinigaw na sa mic na, "We have a winner!". Sigawan ang lahat - 'di ko alam kung sa tuwa, galit, inggit o kung anupaman. Basta may Stand fan ako at 1,200 pesos! At 'di pa dun natatapos ang lahat, nabunot pa ang pangalan ko sa mga pa-raffle na appliances at pangkabuhayan showcase na basket.
******
Kailangan talaga 2 weeks ang bakasyon namin?
see you next week |
A blessed Christmas to everyone!
"Kaming mga guro ay normal na buhay estudyante - 'pag wala silang pasok, wala din kami." Lab it!
ReplyDeleteHappy New Year!
wow nakakatuwa.. napapangiti ako bawat paragraph kasi nakakarelate talaga ako ng bongga! antaray naman ng Hawaiin dance niyo mam, pak na pak! hehehe.. nice pics :)
ReplyDeleteNakakatuwa! Buti nga Hawaiian ang sinayaw ninyo hindi Teach me How to Doggie! Hehe!
ReplyDeleteHappy New Year Ma'am! :)
.. pinaalala mo ang elementary days ko, saktong-sakto!
ReplyDelete.. napansin ko, dalawa lang kayo ni madam (na may tats) ang nag bare ng abs, hehe.
tanggal stress tong post na to. Uy, pansin mo abs mo, kaw lang tinitignan ah..kaw na! kaw lang kasi may K maglabas. hehe. Sumayaw din kami sa party sa ofis. Initiation sa mga new hired employees. New experience!
ReplyDeleteNamiss ko naman ang highschool life, at sikat talaga ang mababait na teacher sa mga estudyante, yun kaya ang reason bat nag papicture sila sau... at sexy sa grassskirt ha!
ReplyDelete@j.freigh - lab mo din ang walang pasok i'm sure... 3 days na lang back to school na tayo :)
ReplyDelete@jhengpot - pak na pak ba? kapal ng mukha lang yan..hehe..makakarelate talaga halos ang lahat sa mga christmas party di ba?
@nicole - happy new year din! pag teach me how to dougie eh aabsent ako, joke! may catch ngapala yang hawaiian dance na yan? dapat current songs ang tugtog while traditional hawaiian steps ang dance moves..
@rob - henna tattoo yung sa isang teacher, di ko trip yun kaya di ako nagpalagay... bare abs kung bare abs di ba? haha
@mitch - wow special dance number..hehe..yung mga may kaya lang ang nagpakita ng tiyan... ako kapal ng mukha..
@gladys - sexy nga ba? hehe... kakamiss ang maging bata noh?
Ang saya namn ng Christmas party na yan1 ang japorms ng mga bagets! Congrats sa pagkapanalo mo! Happy New year!
ReplyDeleteyun ang pinaka masarap sa lahat, pag walang pasok ang estudyante, wala ring pasok ang mga maestra't maestro! apir! :)
ReplyDelete