First Day Funk


It was my first day of school yesterday. I didn't prepare for this one - no new pens, pads or cute little notebooks. I just brought myself and a few pieces of paper. I was thinking that Graduate School will be different. It was 11 years ago when I experienced the same old feeling - but I'm much older and wiser now (?!). 


Okay, so ganito ang nangyari kahapon. 8:30 a.m. ang first ever class ko na tatagal ng 3 oras pero mga 7:45 a.m. pa lang eh nandun na 'ko. 'Di naman sa excited ako pero tinatantiya ko pa kasi ang travel time ko. Pero may lamang siguro ang ayoko lang talagang ma-late sa kahit na anong okasyon. Naglakad-lakad muna ako sa unibersidad at pinagmasdan ang libu-libong (O.A.) mga nagja-jogging at nagba-biking. Sa tantiya ko, 'di na maganda ang pacing nung iba dahil sa mga nagbubungguang malalagkit na katawan habang tumatakbo. Rerekta ako sa Circle kung ako 'yun. 

At kahit binagalan ko na ang paglakad ko eh sadyang maaga lang talaga ako. Huminga ako ng malalim. Nag-isip kung saan ako tatambay. Hanggang sa nakita ko ang mga nakasama ko nung enrollment last week. Mga thunders na sila pero Ph.D. level na. Konting chika pa at dumating na ang kaklase ko na nakilala ko din nung enrollment (freshie din siya katulad ko at pareho kami ng major), mga 8:00 a.m. na nun - maaga pa din. Alam niya ang room number ng aming klase at kung sino ang propesor. 'Di ko na inalam kung paano niya nalaman 'yun dahil sa enrollment form ko eh TBA ang nakalagay (nung college freshie ako naniwala ako na ang TBA eh Teodoro Benigno Aquino Hall - tsss, To Be Announced pala). 

8:15 a.m. na at umalis sandali ang kaklase ko, nagulat ako dahil pagbalik niya eh kasunod na niya ang guard. Tinawag niya ako at sinabing pinapabukas na niya ang room namin para dun na kami tumambay - ang bangis! So off we went to the room. Wala naman akong expectations pero nung nakita ko 'yung kwarto eh ang tanging nasambit ko lang ay, "Ay... Hindi air-con!". Hindi naman sa maarte ako at sanay sa air-con pero sana naman sa malamig na kwarto kami magtutuos kada linggo 'di ba? Osha, sige maarte na 'ko. Magkalayo kami ng upuan ng lalakeng kaklase ko pero magkatapat lang so nakakapag-usap pa rin kami. 3 pa lang kami nun, hanggang sa dumami.

And we waited... May dumating na 2 pa.

8:30 a.m. na at kung sa high school na pinagtatrabuhan ko eh magbe-bell na dapat, pero alam ko na sa eskwelahang ito eh walang bell. Nung nag-aral ako nung college eh never nag-bell. Kanya-kanyang orasan ang tumatakbo. Ganun ka liberal, pati pagdikta ng oras 'di pwedeng maganap. Siyempre O.A. na naman ako. May 7 na dumating sa puntong ito.

8:45 a.m. na at wala pa ring anino ng propesor namin. Ni hindi namin alam kung dadating ba siya oh hindi pero walang natinag sa upuan. Noong college ako eh may University Rule na kapag 30 minutes na ang lumilipas eh wala pa ang propesor ninyo ay pwede na kayong umalis sa klase at kahit dumating pa siya eh wala na siyang magagawa dahil matagal siya. 'Di ko alam kung meron din nun sa Graduate. May mga 8 pa na dumating. 20 na estudyante na at dapat 15 lang kada klase, ayoko ko na mag-isip kung bakit ang dami namin.

9:00 a.m. na at wala pa rin ang propesor. May nadagdag pang 1 sa amin so 21 na lahat kami. Marami nang nag "getting to know" sa mga kaklse ko, ako hikab ng hikab dahil masiyadong maaga ang oras na 'yun sa nakasanayan ko. Napansin ko na magkakakilala na ang iba sa amin. Ang ingay nila eh. Hindi katulad noong college na nung first day eh parang may vigil sa kwarto namin sa sobrang katahimikan.

9:15 a.m. na at hindi na nakatiis ang isa naming kaklase at lumabas na para tanungin sa guard kung nakita na ba niya ang katawang lupa ng propesor namin. 'Di pa lumilipas ang 2 minuto ay bumalik na siya at sinabi na, "Andiyan na siya". 

Tahimik ang lahat bukod sa isang maingay na nagre-retract at pindot ng kanyang ballpen - arrgh. 

May pumasok na 'di katangkarang lalake. Mga late 40s na siguro. Mukha at amoy malinis naman siya. Nakasuot ng eyeglasses at polo barong at sambit ng, "Good Morning!". At sumagot naman kami ng iba't-iba, "Good Morning sir!" at "Hi sir!". Nagulat ako dahil ang ibang estudyante eh parang kilalang-kilala na si sir. Ano kaya 'yung mga 'yun? Back subject? 'Di naman siguro, mukhang 'di naman nambabagsak si sir eh. 

Nagpakilala siya at sinabi ang mga requirements sa klase niya. Actually wala naman masiyado. Hindi daw siya partikular sa attendance. Kailangan lamang daw maipasa ang mga exams at maipasa sa oras ang mga research at term papers. Tsss, maning-mani. Hanggang sa tinalakay na niya ang overview ng subject namin habang nakaupo sa upuan niya ('di siya tumayo ever, pati kami - parehong-pareho nung college ako). 

Education and the Law. Tapos ako, wala akong alam sa batas - ni wala nga kaming Consti nung college eh. Dumugo ang tenga at ilong ko sa mga terminolohiyang nabanggit ni sir. Ganunpaman, kinaya ko. Kailangan eh.

Dumating na sa puntong "tell us something about yourself". Hanggang dito meron pa ba naman? Naiintindihan ko si sir dahil first day pa lang naman. Breaking the ice kumbaga. 'Di  naman siya pwedeng magpa-exam agad. Ganito din naman ginagawa ko sa mga bagets ko 'pag first day nila sa high school at mga freshie pa. 

Eto ang mga naganap (habang nakaupo - subukan nilang tumayo at tatawa ako ng malakas, joke);

Hi everyone, I'm ____ and I am currently connected with the Congress and a part-time faculty at the International School. I'm on the Doctorate Program and this is just a pre-requisite for a subject...

'Yun pa lang tapos na, ano namang ihihirit mo 'pag ganun na ang nauna? Meron pa ba? Wala na 'di ba? Nagkakatitigan na lang kami ng kasama kong MA freshie habang nagaganap ang lahat. So eto na ang mga sumunod;

Hi there, I'm also a Ph.D. student and just like her this subject is just a pre-requisite because my Masters degree is in Business Administration. I'm actually connected with Metrobank and I have been the branch manager for 21 years now. I'm planning to retire soon to put up my own school.

Hi I'm ____ and also on the Ph.D. program and had my Masters degree in Speech Communication also from the university. I'm connected with Our Lady of Fatima University and I'm currently the head of the English Department - college level. 

Hello there, I'm ____ and my Masters degree is in Special Education and I'm currently pursuing my Ph.D. I am managing my own SpEd school right now.

Hi, I'm ____ and a chemistry teacher at Colegio de San Agustin. I'm also from the Doctorate program.

I just graduated last year from this university and I'm on the Masters Program and currently connected with the Supreme Court.

Hi I'm ____ and on the Doctorate program having this subject as my penalty subject. I am currently the Vice President for Academic Affairs at Jose Rizal University.

Good Morning! I'm also on the Ph.D. program and few units more and I will be graduating, hopefully, soon. I'm actually connected with the Military, the Navy to be particular. I'm an officer and often watches Senator Trillanes on his cell but seriously, I'm also an instructor in the Military for Information Technology and programming stuff.

Okai... Humihinga ako ng malalim kada may isang nagsasalita. Ano namang sasabihin ko 'di ba? Tulala kaming dalawa ng kaklase kong MA. Sa 21 na nasa kwarto na 'yun eh 3 pa lang ang nabibilang namin na MA level. Kaming 2 at may isa pa. Gusto kong sabihin na, "Oh sige na! Kayo na ang nagpi - Ph.D., kami na ang hindi!" a la Vice Ganda pero diyahe naman 'di ba? Sana O.A. lang ako sa pagsusulat pero ito talaga ang mga naganap kahapon. Kahit mag lie detector test pa (gusto ko ma-try 'yun).

Nag-relaks ako. Nag-isip. 2 estudyante na lamang at ako na. Hmmph. Bahala na si Batman at Buddha. Kahit makapag-hello lang ako ayos na 'yun. Puwede ko sanang sabihin;

I'm Carla and I'm connected (ewan ko kung bakit ang hilig nila sa salitang "connected", magamit na nga rin) with Dep.Ed.

o kaya,

I'm Carla, a freshie and there's nothing more to say. Thank You.

So ako na, 'di naman ako kinabahan pero na-pressure ako at 'di ko maitatanggi 'yun. Isang buntong hininga (walang O.A. na naganap). Verbatim.

Hi there. I'm Carla. A freshie this 2nd sem and on the Masters program. I graduated 7 years ago from this university with a degree in Arts Management. I worked in museums and galleries but this only lasted for a few months. I then worked at Globe Telecoms and got tired of irate clients so I resigned after 3 months. I also tried Advertising and lasted 1 week. I also worked as a bank teller and new accounts officer at BPI and after 17 months, I also got tired of counting other people's money. Then I found myself in a SpEd school teaching special kids and got bitten by a 14-year old, non-verbal kid and quit after 2 weeks. Whew. Then for 3 years now, I'm proud and happy to say that I'm a music, arts, p.e. and health teacher at a public high school in Quezon City and I'm loving it! 

Naghiyawan ang lahat nang matapos ang "speech" ko. Para sa mga nakakakilala sa'kin, alam nilang sadyang 'di ako tahimik na tao (pero hindi naman madaldal - chos!). Natuwa ako nung nag-cheer sila pagkatapos ko magsalita. Mula sa mga kapwa kong nasa sektor ng Edukasyon, pagbati at pagtatanong ang isinukli nila matapos nun. Marami silang tanong at ako naman sagot ng sagot. 

Sige na! Kayo na ang Ph.D. students. Ako na ang hindi.

Masaya akong kaklase ko kayo pero tiyak kong mas magiging masaya kayo dahil naging kaklase ninyo ako. 

Let's get it on!

17 comments :

  1. ang bangis sa introduction ng sarili! panalo ka doon, maam! :)

    e ano nga naman kung taga supreme court, navy at magtatayo ng sariling school ang mga classmates mo sa post-grad? mas maraming variety, mas masaya! kaya lang seriously speaking, i learned the hard way, to distant myself to everyone whom i cannot trust (bigland serious!). iyan ang isa sa mga lessons ng totoong buhay expat na natutunan ko sa edad kong treinta y singko.

    i envy you! i want to go to post-grad too! may bs bio na ako, medicine degree at lisensya, pero gaya mo, gusto ko pang mag-aral ng todo! :) learning is indeed a lifelong process 'ika nga.

    balitaan mo kami muli sa next class nyo ha! :)

    ps : PNU? *no need to reply kung secret!

    ReplyDelete
  2. never cease to amaze..

    ReplyDelete
  3. @nicole - thanks at natuwa ka kahot papano :)

    @docgelo - not PNU po :) panalo ba sa introduction? madaldal lang talaga siguro..haha..ako naman kabaliktaran mo, kahit bagong kakilala eh i treat them as my friends na, kaya di rin maganda kasi tingin nila feeling close agad ako, pero I'm starting to restrain myself na ")

    hi anonymous! thanks...

    ReplyDelete
  4. Panalo ang class nyo ha, mukhang puro bigatin ang mga classmates :) Siguro ako, I'll say, Hi I'm Claire, I'm connected with Facebook and Google+ hahaha

    ReplyDelete
  5. Panalo ang introduction! Hawahan mo naman ako sa daldal mo, pero seriously, may good effects naman ang kadaldalan. For you it's effective! Galing! Clap Clap Clap

    ReplyDelete
  6. hi claire! you gave me an idea... may klase ako mamayang gabi, first meeting, malamang ang sasabihin ko "Hi I'm Carla and I'm connected with my blog blissfulguro.blogspot.com"... panalo sa segue! hahaha

    hi gladys! hindi asset tong pagiging madaldal ko, liability to madalas... haha... dream ko maging as quiet and mysterious katulad mo... dream lang naman :)

    ReplyDelete
  7. panalo teh, yours is un-kabog-able!

    ang boring ng buhay ng mga classmate mo, kunyare lang masaya sila but no.. (bitter?!) haha

    ReplyDelete
  8. HAHAHA! Winner! Di ako pwede sa ganyan... May fear of public speaking ako!

    Pero siguro sasabihin ko... "Hi, I'm Gay, and I'm a travel junkie.". Parang nasa group therapy session lang.

    ReplyDelete
  9. wahahaha.. andami kong tawa.. :P

    salamat sa preview.. ano kaya ang kahihinatnan ko pag nag-take na rin ako ng Masteral. haha..

    ReplyDelete
  10. haha! natawa ako sayo chyng... bitter-bitteran ang dating! :)

    hi gay! parang may shrink tas later on mga worries and fears sa buhay na ang kasunod! :)

    batang lakwatsero mag MED ka na lang!

    ReplyDelete
  11. Korek! maswerte sila ang naging classmate ka nila. Sabi ko nga sayo gustong gusto ko maki-sit in sa klase mo e. hahah!

    Grabe natandaan mo ang mga sinabi nila. Ano bang memorya meron ka. hahaha! ang galing ng speech mo girl. bravo!

    ReplyDelete
  12. malunggay lang katapat ng memory chorva na 'yan car! walang mga memo gold plus chuvaroo... haha.. chos!

    ReplyDelete
  13. eto ang best intro... super bangis! hehehe panu kaya pag wala kau dun? napakaboring cguro ng klase na yan...

    ReplyDelete
  14. hi j.freigh... mabangis ba? di naman...haha...wala lang akong panama sa kanila kaya yun na lang naisip ko...

    ReplyDelete
  15. Winner! Ikaw na! 2 days ko lang nakita blog mo pero binasa ko na almost lahat ng entries, nakakatuwa ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow naman! thanks denialtwistpod! enjoy reading po :)

      Delete

My Instagram

Copyright © 2011- blissfulguro. Made with by LP via OddThemes