Bee Happy!




Kahapon ng tanghali, pagbaba ko ng jeep malapit sa school nagulat ako kasi nakita ko si Jollibee sa harap ng store nila. Bigla akong ngumiti at tinitigan ko lang talaga siya. Iniisip ko kung may birthday party ba o kung anuman. Pero 'di talaga natanggal ang ngiti sa mukha ko. 


Hindi ako mahilig sa mascots pero pag nakikita ko si Jollibee natutuwa talaga ako. Isa 'yan sa inaabangan ko 'pag pumupunta ako ng birthday party sa Jollibee. Nakita ko nang sumayaw si Jollibee ng "Macarena", "Waka-waka" at "Baby, baby, baby oh" ni Justin Bieber (tama ba ang title?). At in fairness sa mga Jollibee mascots, magagaling sila sumayaw talaga. Kahit 'wag na lumabas sina Hetty, Popo, Mr. Yum at Twirlie, basta andiyan si Jollibee ayos na. 

Ang nakakatuwa pa eh parang tambay lang si Jollibee. Pumapara ng tricycle 'tas kunyaring sumasakay, nakikipag-apir sa mga barker ng jeep at kung anu-ano pa. Nakakatuwang makita na lahat ng dumaan eh nakangiti habang nakkikitang nasa kalye si Jollibee, kahit 'yung mga driver ng jeep at mga nakasakay napapatingin. Sa itsura ni Jollibee eh mukhang magtatagal siya sa pagtambay. Malamang may party 'tas bumaba lang muna siya. O kaya naman marketing strategy nila. O baka naman may nagsuot lang na crew dahil wala lang. Kung anupaman ang rason eh panandaliang napawi ang pagod ng lahat ng tao dahil sa kanya.

Walang special effects, walang malakas na tugtog, walang fireworks pero masaya ang lahat. Naaalala ko tuloy nung bata pa 'ko. Classic talaga 'tong si Jollibee. Kumbaga, nakatatak na sa bawat Pilipino. 'Di ka Pinoy kung hindi mo kilala si Jollibee. Pero mas trip ko pa din ang food ng McDo. (Sabay ganun?!)

6 comments :

  1. TLC lang talaga nae-enjoy ko sa jollibee..

    ReplyDelete
  2. Haha sabay mcdo eh no?

    Chickenjoy pa din ako! =P

    ReplyDelete
  3. onga, mas masarap chickenjoy compared sa mcchicken, pero sa fries mcdo talaga!

    ReplyDelete
  4. ohh, I love this post. Tama, ang mga ganitong simpleng bagay sa mundo, sometimes people tend to forget nalang pero it is nice to know that they give smile to our faces :) Just simply watching them, un nga kahit walang sounds..ok na! anu kaya itsura nung tao sa mascot? hehe

    ReplyDelete
  5. hi there mitch? happy talaga si jollibee mascot dba? yun din lagi ko naiisip kung ano itsura at feeling ng nasa loob ng mascot... isa yan sa mga balak ko itry, pero mainit daw eh...:)

    ReplyDelete

My Instagram

Copyright © 2011- blissfulguro. Made with by LP via OddThemes