It was April 5, 2011...
Supposedly, ako daw ang magho-host (again?!) ng Recognition Day this school year. And because lagpas ulo ang mga ginagawang forms at kaguluhan nung mga panahong 'yun, ibinigay na lang ang pagho-host sa teachers na walang advisory class (whew!).
So during that time, I was at the comfort of my own room (akin ang clinic dahil clinic teacher ako, 'di ko kinakailangang sumama sa mga faculty room ng department). At dahil gawaan ng forms (form 1, 2, 18, 137, 138, etc. mga cards at record na uber dami), makalat ang clinic at may nakisukob pa na 2 teachers sa'kin. I have my own table kung saan ako gumagawa ng forms, 'yung isa sa kama at 'yung isa naman ay nasa kusina. Tahimik ang lahat, puwera na lang sa mga batang sumusulpot para magpapirma ng clearance. Kung alam lang talaga ng mga bata na hindi naman nila kailangang papirmahan ang lahat ng clearance para makuha nila 'yung card nila eh 'di na sila magkukumahog para sa napaka-precious na tinta ng ballpen ko. Pero siyempre sikreto lang namin 'yun. Kasi parang ransom namin 'yun, eh paano kung may ginawa silang kalokohan sa aming mga teachers? Saan naman namin sila hahanapin para magtuos kami 'di ba? Hehe.
I digress. 3 p.m. ang schedule ng Recognition Day. Ang araw na ito ay para sa mga estudyanteng gagawaran ng parangal dahil sa kanilang kahusayan at pagtatagumpay sa iba't-ibang larangan. Bale, hindi lang sa academic kundi pati sa sports, arts, journalism, etc. Basta may ibinigay kang karangalan sa eskwelahan eh pasok ka na sa banga.
Kasama rin sa paparangalan ay ang mga guro na katulad ng ibang estudyante eh nagbigay ng karangalan sa aming munting eskwelahan. 'Yung iba eh alam nilang paparangalan sila kaya bumongga ng outfit. Nakakatuwa ang mga guro, parang aattend talaga ng awards night (day).
the clinic: my home away from home. may sala, kama, banyo, kusina at working area. san ka pa? |
'yung nasa upper right ay ang clinic, 'yung nasa gitna ang stage. tatlong tumbling lang ang lapit. |
And due to its very close proximity to the stage (bale tatlong tumbling lang galing sa clinic nasa stage ka na), naririnig namin from the clinic ang mga pangyayari sa stage. We should be "formally" watching sa mga designated chairs namin pero we chose to settle ourselves sa clinic dahil tanaw naman namin galing 'dun eh.
So we watched from the door. And saw the speeches of some students and guests (usually politicians) and saw the faces of the proud parents.
At nung paparangalan na ang mga teachers... I was so stunned to hear my name. AKO DAW? Oo, pangalan ko ang tinawag. Alphabetically arranged ang mga 'yun kaya ako ang unang tinawag. Ganun pala ang feeling nun, parang nasa awards night. Magugulat ka pala talaga. Pero worst kasi ang mga nasa awards night, alam nilang nominated sila, ako eh hindi ko talaga alam. I should've worn a decent dress and stuff, 'yan ang tumakbo sa isip ko. Susko! buti nalang walang speech ang mga awardees.
I went straight to the stage in like 10 seconds. Tumakbo talaga ako dahil baka bawiin pa nila eh sayang naman. Hehe.
It was so tempting to ask the chairman of the committee of what the qualifications were pero siyempre, saan ka naman nakakita na ikaw na nga ang may award tapos kkwestyunin mo pa kung bakit ka aawardan 'di ba?
So there it was, my certificate and my medal. Whew. Ngayon lang ako nakatanggap ng medal, ever! So there it was, my first ever medal with me, not knowing what it's for.
So after all the chaos and I was left alone in the clinic, I was like thinking if para saan kaya 'to? Ang nakalagay lang kasi sa medal eh "Outstanding Teacher" daw. So nag-contemplate ako. Bakit kaya ako may award? Bubble thoughts...
Hindi ko talaga maisip at 'di ko naman makayanan na kwestyunin pa. Nagtataka lang ako dahil 3 taon pa lang akong nagiging teacher. At ang iniisip ko eh dapat lahat ng mga guro sa public school nararapat lamang na parangalan. Hindi dahil sa kung anupaman. NARARAPAT lang talaga. Sige na, Idealistic na kung Idealistic pero ganun talaga nasa isip ko eh.
Halos 150 ang mga teachers sa school namin. Less than 20 lang ang mga naparangalan. Ang ibig sabihin ba nun eh hindi outstanding 'yung iba? Hindi naman 'di ba?
Ganunpaman, maraming salamat! Ngayon lang ako nasabitan ng medalya, ever! Nung pre-school at elementary eh puro ribbon lang (mga best in kung anu-ano, masabi lang na may award, haha) ang napi-pin sa akin. Buti na lang sa school pa rin sinabit.
less than 20 teachers/awardees |
we-are-under dressed |
MAPEH Department lang ang naka-maong... haha |
ayun oh! |
So after all the chaos and I was left alone in the clinic, I was like thinking if para saan kaya 'to? Ang nakalagay lang kasi sa medal eh "Outstanding Teacher" daw. So nag-contemplate ako. Bakit kaya ako may award? Bubble thoughts...
Hindi kaya dahil nanalo kami sa sinalihan namin na
on-the-spot poster making contest?
on-the-spot poster making contest?
Hindi kaya dahil nag-coach ako ng art sa mga students at
sinamahan ko sila sa GSIS museum para sa isang workshop?
drawing by erasing... |
yes, may food ako sa mouth. hehe |
Hindi kaya dahil nag-umpire ako for the second time ng
Division Level Lawn Tennis competition sa Elementary level sa buong Quezon City?
first time mag-umpire last 2009 |
grade 2 (sa public school) at bumobongga sa lawn tennis! sosyal! |
Hindi kaya dahil nag-host ako ng foundation day?
Hindi kaya dahil nag-train ako ng folk dance nung foundation day?
Hindi kaya dahil isa akong cool at hip na guro? Weeh, may ganon?!
Halos 150 ang mga teachers sa school namin. Less than 20 lang ang mga naparangalan. Ang ibig sabihin ba nun eh hindi outstanding 'yung iba? Hindi naman 'di ba?
Ganunpaman, maraming salamat! Ngayon lang ako nasabitan ng medalya, ever! Nung pre-school at elementary eh puro ribbon lang (mga best in kung anu-ano, masabi lang na may award, haha) ang napi-pin sa akin. Buti na lang sa school pa rin sinabit.
Salamat! At para sa akin eh outstanding kaming lahat. LAHAT.
girl, with all the things youve done, kulang pa ang recognition na yan. dapat sayo ulirang adviser awardee ng taon! =)
ReplyDeletecongrats!
teehee! salamat chyng.. you never fail to put a smile on my face.. and you always make me feel na i'm doing something right.. hehe.. hope we bump into each other somewhere.. :)
ReplyDeleteWow congratulations blissful guro, galing naman, I agree dapat parangalan ang lahat ng mga guro, mga bagong bayani ng bayan :)
ReplyDeletewow! lakwatsera de primera is in the house! haha.. thanks claire! bagong bayani tayo lahat! parang kinikilabutan ako! :)
ReplyDelete