Master of Ceremonies: Ako Daw?!

I just love the energy of the high school students. Hindi napapagod at ang hirap lumevel sa ligalig nila. And when the principal hand-picked me to host our 40th Foundation Day Activity, nag-ipon na ko ng lakas para sa energy ng mga bata.

Drum and Lyre Corps
Hindi biro ang mag emcee sa harap ng libu-libong mga bata, magulang at guro. Isama na natin diyan ang mga special guests. Lalo na kung ikaw pa rin ang trainor ng folk dance sa lahat ng 1st year students. Good thing, dalawa kaming nag-train kaya minus stress. We had 1 whole week to practice the dance. Each level may sariling performance. Buti na lang mababait ang mga 1st year students ngayon kaya bawas haggard. 

practice pa lang
eto na!
go freshies!
Our dance was "Binatbatan", an occupational dance in Paoay, Ilocos Norte, it depicts the beating of cotton pods to separate the seeds from the fibers with the use of two 18-inch-long sticks called batbat. So may stick ang mga bata. Kailangan nilang iwasiwas at gamitin iyon sa pagpalo. Ang unang challenge diyan eh ang pagsaway sa kanila. Kasi nga may hawak silang stick so takaw tusok 'yun at ayoko ng duguan na isusugod sa clinic (ako din pala ang clinic teacher dahil wala kaming school nurse, so ako din gagamot sa kanila in case may mangyaring ganun). Luckily, mabait naman ang mga 1st year. Ang kulit nga lang talaga dahil nga naman mga 13 to 14 years old sila so malikot talaga. Naitawid naman ng maganda ang performance. I'm very proud of my freshies, they delivered! If you could only hear the sticks habang nagpe-perform. In rhythm talaga. At behave sila during their performance unlike nung practice lang.

emcee?!
tas trainor pa?!
rock on!
So habang naghohost ako eh nakatutok din ako sa performance ng mga kids ko. 'Di naman ako kinabahan nung nag-host dahil wala naman talaga akong hiya (hahaha). Kahit pa andiyan sila kapitan at kung sinu-sino pang mga politiko. Naitawid naman ng maayos.

sophies
juniors
juniors pa din
seniors
Ang dance naman ng mga sophomores eh "Polka sa Nayon", sa juniors naman "Bulaklakan" and "Sinulog" and sa seniors naman "Pangalay". Everyone is so participative. Walang nag-inarte o kung anuman. Natutuwa ako para sa mga bata. Naalala ko tuloy nung high school ako. Todo kaba kapag may mga performance na ganito. Ngayon ako na ang nagtuturo ng sayaw, at nag-host pa! Grabe na ito!

ang ever supportive na advisory class ko. i love I-Mabolo!
There are no winners, alam nila 'yan from the very start. Pure showcasing of their talents lang. And then after the show, nag boodle lunch ang mga teachers tapos booths na and games para sa mga bagets. Happy 40th sa school! haylavit.

ang mga emcee na pasaway!

4 comments :

  1. career teh!
    idol! kasi kung ako yan, natuyuan na ko ng dugo! haha

    ReplyDelete
  2. hala!idol ka jan!lumelevel lang utak ko sakanila kaya di ako natutuyuan..haha..ikaw ang idol talaga!ikaw na!hahahaha

    ReplyDelete
  3. natuwa at nainspire naman ako sa blog mo... dapat talagang mabisita din ng mga kaibigan ko na teacher din ang site mo... ng maengganyo na rin silang mag-blog!!!
    Thanks..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit ako nai-inspire sa pagpasok ko araw-araw..lalo na po sa mga comment na ganito..thanks alphredite :)

      Delete

My Instagram

Copyright © 2011- blissfulguro. Made with by LP via OddThemes