And just because magulo na sa school dahil sa practice ng mga 4th year students at haggard ang mga teachers sa paggawa ng Form 1, Form 2, Form 18, Form 137, Form 138 at kung anu-ano pang mga forms eh gagawa muna ako ng list...So here's my...
15 Things I learned about this School Year (2010-2011)
14. ...that repeating 1st year for the 4th time is not an assurance that you will do your best to reach 2nd year. Most likely, it will be 1st year for the 5th time for one of my boys,
3rd time for the other and 2nd time for two more.
11. ...that constantly talking to parents (re their child's performance or attitude) who are pleading and crying doesn't make me numb. Affected pa rin ako.
10. ...that random people will shamelessly identify you (and your profession)
in public places and transportation.
8. ...that there will ALWAYS be "labeling" for the students; the nerd ones, the bully ones, the
3. ...that you will never be wealthy (in my own standards) by "just" being a teacher.
Rich through experiences, pwede!
2. ...that bone fracture and dislocation tops the list of accidents for students this year (I'm the
1. ...na may tatatak talaga na ISANG bata para sa isang teacher.
Ang pinaka-remarkable na kid ngayong school year na 'to eh si Bryan.
Binagsak ko siya last year, nag-repeat siya ngayong taon ng 1st year,
at tignan mo nga naman ang tadhana, sa akin siya napunta ulit --
bilang subject teacher at bilang adviser.
Nabadtrip ako nang malaman kong sa akin siya,
dahil ibang klaseng kulit talaga ang meron sa batang yun...
kumbaga, pang grade 4 ang utak at kilos niya.
Pero iniba ko ang strategy ko this year sa kanya, ginawa ko siyang "favorite" -
favorite utusan, favorite kakwentuhan, favorite ilibre, at kung anu-ano pa.
Mabait at sumusunod naman pala siya kapag kinausap ng maayos,
dati kasi lagi akong galit pagdating sa kanya eh.
At dahil dun nalaman ko ang pang "MMK" na life story niya.
- Galing siya sa broken family.
- Sa totoong nanay niya at sa stepfather niya siya nakatira.
- 2 silang "totoong" anak ng nanay at tatay niya.
- May 3 bagong step sister at brother siya sa nanay niya at siya ang nag-aalaga.
- Ang tatay naman niya eh adik/pusher daw ng droga, kaya daw naghiwalay sila ng nanay niya.
- May bagong kinakasama na rin ang tatay niya. At may mga kapatid din siya dun (pwera pa yung mga unang anak nung stepmom niya sa unang asawa)
- Binibigyan naman daw siya ng 500 pesos a month ng tatay niya depende kung maabutan niya sa bahay (hati na sila nung utol niya dun).
Simula nung nalaman ko ang kwento ng buhay niya eh talaga namang nag-iba na ang pananaw ko sa kanya. Naintindihan ko na kung bakit siya ganun, kung ano man siya. Hindi ako Psychologist o Guidance Counselor pero kaya siguro siya maharot at makulit eh naghahanap siya ng "attention". 'Yung hindi niya nae-express sa bahay nila eh sa school niya nilalabas. Na masaya siya kapag nasa school siya kaya feeling niya nasa bahay lang siya.
Ang malungkot lang diyan eh mukhang magre-repeat ulit siya. If ever man eh pangatlong 1st year na niya next school year. Pilosopo at bastos daw siya sa klase. Nagka-cutting daw at 'di gumagawa ng mga gawain sa klase at kung anu-ano pang mga reklamo ng mga teachers niya sa akin.
Nag-usap kami kanina, 'di naman masyadong seryoso pero eto yun;
"Anong mangyayari sa'yo kapag nag-repeat ka ulit?"
"Di na ko pag-aaralin ng nanay ko"
"Eh malay mo naman pag-aralin ka pa?"
"Di na yun ma'am, aalis na ko sa bahay, pupunta ako sa tropa ko o kaya sa tatay ko"
"Eh adik yung tatay mo dba?"
"Eh... basta 'di na 'ko pag-aaralin pag repeater ulit ako"
"Eh kung dalhin mo kaya nanay mo bukas?"
"Eh nagtatrabaho po 'yun eh"
"Siguro naman magkaka-oras siya para sa'yo"
"Ma'am pwede ba yung kuya ko nalang?"
"Eh ang bata pa ng kuya mo eh, saka mas ok pag nanay, mas maaawa ang mga teacher mo"
"Eh may trabaho nga ma'am eh, yung kuya ko na lang"
"Mas maganda talaga 'pag nanay mo, tignan mo last year, nung nakausap ko umiyak pa siya, 'yun nga lang 'di talaga ako natinag at talagang ibinagsak kita. Saka iba talaga 'pag nanay ang kausap namin eh"
**Nag-isip siya ng malalim na parang seryoso talaga siya**
"Eh 'yung lolo mo kaya?"
"Eh bubugbugin ako nun ma'am!"
"Eh kasalanan mo naman kung bakit ka babagsak eh, kailangang harapin mo consequences nun, atleast hindi ka na magre-repeat 'pag napakiusapan ng parent o guardian mo"
**Nag-isip ng mas malalim at mas malungkot**
"Sige ma'am, titignan ko po kung sino pwede pumunta dito"
"Sige, basta bukas mga 11:30 papuntahin mo na dito sa school"
"Sige po"
"Oh...maglinis ka na ng clinic, mag-mop at magwalis ka, malapit na mag bell"
natuwa naman ako. I used to teach in public HS and it was not until I quit the job that I decided to blog. I later on encouraged my friend who is still teaching in public school to blog. But he gave up after a few months. wala lang ---ang perception kasi sa mga public school teachers puro forms lang ang alam. now you are a testament that that's not necessarily the case.
ReplyDeleteHi pusangkalye!hehe..ngapala, I read your blogs:)nice, nice, nice!
ReplyDeleteAko naman eh I NEVER really dreamt of being a teacher, lalo na sa public noh!ewan ko, dito ako dinala eh.. I worked before sa bank, ad agency, etc. etc. pero ewan ko...kung bakit ako andito ngayon..hahaha
Totoo namang magaling ang teachers sa public re sa forms pero hindi lang naman cguro dun lang..hehe..Meron pa ngang perception na pag public school teacher eh parang ang baba ng tingin ng mga taga-private dba?may ganun?hehe
You are brave to leave public HS para sa blog..astig ka!yan na nga talaga ang passion mo!go for it!do what you love..ako eh 2 months pa lang nagbblog..hehe..
what happened to your friend?bakit di na siya nag-blog?
aaww this is a heartfelt post.
ReplyDelete#15 is a sad fact, but true.
i never fail to salute teachers kasi di ko keri yang patience nyo. matutuyuan ako ng dugo kakadisiplina ng students.
you have a talent to reach out to these kids. sana matulungan si bryan. mahina ba utak nya o pala-absent?
mediocrity has no face - cant agree more. being safe or anything in between is uglier than nothing at all!
salamat chyng!
ReplyDeleteuulitin ko ulit..di ko talaga pinangarap na maging guru, ay este, guro pala. sa kakahanap ko sa sarili ko eh dito ako napadpad. ang dami ko na naging work pero dito lang ako bumongga ng todo (at nagtagal, 3 years na ko sa public HS). iba kasi eh. di ko alam kung hanggang kelan ako magtuturo (sa public at sa Pinas) pero masaya talaga at iba sa pakiramdam. hehe.
super common ng broken family kaya yung isang kid ko feeling niya kakaiba family niya dahil kumpleto sila. siyempre todo explain ako dba?
nakakatuyo ng dugo minsan pero im a masochist. haha joke. music, arts, pe and health kasi tinuturo ko kaya medyo fun yun sa mga kids (although art major talaga ako tntry ko magpaka- PE teacher.haha).
ay naku si bryan naman kasi talaga may pagka-gaspang ang ugali. he doesn't care pero sasabihin niya right in your face (kahit teacher ka pa) kung ano nafi-feel niya at kung may nakikita siyang di maganda para sa kanya. di siya ma-gets ng mga teacher niya. kaya ang impression sa kanya bastos. saka di mapakali yun, laging tumatayo, kumikilos, nagsasalita parang hyper forever. di naman mahina utak niya. magaling naman siya. behavioral nga lang talaga. malaking factor kasi sa grade yun eh. haaaay. nasad na naman ako para kay Bryan.
when i was a little kid, i would often act like a teacher. write lessons on our blackboard at home and pretend to be teaching. up until now i can still remember that moment. i work now in an ad agency. who knows in the near future, i might just go back to my little dream and become a teacher! very inspirational post, i've always admired teachers, for without them, future wouldn't be so bright.
ReplyDeletewow! thank you pinoy boy... it really feels nice to hear such words... ako di ko talaga dream yun, dun lang ako dinala ng mga paa ko... pero masaya ako, kakaibang saya... pursue your dream... malay mo maging co-teacher kita!hehe
ReplyDeletenakakatuwa naman. nakakarelate ako sa post mo... cguro nga lahat ng mga teachers may isang pinagdadaanan, isa kang ulirang guro...
ReplyDeletewow! thank you j.freigh...it seems like teacher ka din, uliran ka din... actually, lahat naman tayo eh pwedeng maging uliran... depende na lang sa tao kung sa papaanong paraan.. :)
ReplyDeleteyes po... teacher din po ako by fate cguro hehehe... natutuwa ako sa kung pano po kayo nagrereflect sa mga natutunan nyo bilang titser... bibihira lang (or hindi ganun karami) ang gaya ninyo na may direction... honestly, that's based on my observation sa field...
ReplyDeletehi teacher j.. i saw your site, teacher ka nga. nice! wow naman po. that's flattering. coming from a teacher din. considering na 3 years pa lang po ako sa pagtuturo. 'yun nga din observation ko teacher j. pero mahirap magpadala sa mga tao at sa sistema, kundi madadala ka talaga ng di mo nalalaman. mabuhay ka teacher j.!
ReplyDeleteI remember you Ma'am, from my high school days in QC, where you initially taught, though I won't specify the school's name. It was during my 4th year of high school, and although you weren't my teacher, there was an instance when I was tasked with leading and creating a bulletin board in Mathay Hall on 3rd floor, you happened to pass by. We sought your feedback on our bulletin board knowing you were a MAPEH teacher, which we believed would contribute to its improvement. After observing the board for some time, you remarked, "Dito sa bandang kanan maganda, sakabila hindi." At first, we were offended because you know, we are still young at that time. In response to our surprise, you said, "magtatanong tanong kayo tas pagsinabi ang totoo magagalit kayo" sabay irap.
ReplyDeleteThis incident sparked my curiosity about the new teachers in the school, prompting me to assign one of my junior reporters in SANDIGAN (Filipino Journalism) to cover news or essay to our newspaper, with a focus on highlighting the new teachers. As the Associate Editor of that section, I instructed my junior reporter to prioritize featuring you. Eventually, my junior reporter informed me that you graduated from UP and shared details of her interview with you. According to her, among all the interviews she conducted, you were the most cheerful person she spoke to. This revelation served to prove that you weren't actually as unpleasant as perceived. That was year 2010 noong pinublish namin ang dyaryo, I hope natatandaan nyo pa po na kasama kayo sa nafeature. :P
OMG! The bulletin board, I totally forgot already but when you mentioned the "irap" thing which actually my "normal eye movement" (that's why people often think that I'm masungit or mataray). Pero the interview, I still remember that. Hihi. How were you able to find me here? Of all the places (or platforms for that matter). Thank you for this message. Nakakatuwa at nakakataba ng puso. Hope to make chika sa'yo. And also, mas gentle na ako sa mga estudyante ngayon na nanay na ako. Hihi
Delete